Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, September 26, 2009

Willie Revillame, 'di tatakbo sa 2010

Mabuti naman at tinapos na rin mismo ni Willie Revillame ang mga kuma-kalat na ispekulasyon.

Una, sinabi na niyang wa-la siyang balak na tumakbo para sa kahit na anong elective position sa 2010. Wala ring nag-aalok sa kanya na kumandidatong Vice Pre-sident.

Hindi rin daw totoong magkakampanya siya para sa isang politiko.

Mahirap na nga namang mag-front agad si Willie kung wala naman siya talagang ambisyon dahil sa ami-nin man natin at hindi, ina-identify siya sa oposisyon at maaari siyang maipit ng mga nakaupo at maapektuhan pati ang trabaho niya.

Tingnan ninyo ang nang-yari sa kanya, kailangan si-yang masuspinde nang ma-tagal din, ganoon kung iisipin ang problema nila ay internal at dapat sana ni-resolba ng ABS-CBN sa lo-ob lamang ng kanilang kumpanya. Pero marami na ang nakialam.

Iyan ay sa simpleng pag-kakamali lang niya. Papaano kung magkaroon siya ng mas matinding pagkakamali, at identified siya sa oposis-yon. Ano nga ba ang mang-yayari sa kanya?

Isa pa, alam naman sigu-ro ni Willie na popular si-ya, at maaari ngang manalo siya sa isang eleksiyon.

Pero handa ba siya sa ga-noong trabaho?

Iiwanan ba niya ang trabaho kung saan milyong piso ang kinikita niya araw-araw para sa isang trabahong hindi naman ganoon kalaki ang kanyang kikitain maliban na lang kung tumulad siya sa iba na sangkot sa graft and corruption? At ano ang sasabihin sa kanya ng mga tao kung ma-sangkot nga siya sa mga ka-tiwalian sa gobyerno?

Tama lang si Willie, maganda na ang buhay niya sa ngayon at hindi na siya dapat pang humalo sa pulitika.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 11:30 AM, Anonymous Anonymous said...

all i can say GOOD....

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES