Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, September 06, 2009

Willie Revillame ilusyonado! -- Lolit

MAY bago na namang isyung kinasasangkutan ang TV host-comedian na si Willie Revillame matapos i-extend ng ABS-CBN ang bakasyon nito sa Wowowee until September 20 at suspindehin ng MTRCB hanggang sa nasabi ring petsa.

Ito ay may kinalaman sa sinasabing “panlili-gaw” nito kay Lorna Tolen-tino, biyuda ng yumaong action star na si Rudy Fernandez.

May lumabas na isyung si Tirso Cruz III ang tumatayong tulay ng dalawa, pero mariin itong itinanggi ng aktor.

Sa Startalk kahapon, hindi napigilan ng manager ni LT na si Lolit Solis na “bakbakan” si Willie.

Sey ng nanggagalaiting si ’Nay Lolit, “Siyempre naman, Lorna Tolentino ka, sa ganda niyang ’yon, maraming nagbabalak na ano, ’no?

“Pero definitely, kung titingin si Willie sa salamin, tingnan niya muna kung may hawig siya kay Rudy Fernandez, ’no?!”

Kahit na raw meron pang yate o jet ang controversial TV host-comedian, hindi pa rin niya ito matatanggap.

“Eh, kung ibigay niya sa ’yo ang yate niya?” tanong ng Startalk co-host na si Butch Francisco.

Sagot ni ’Nay Lolit, “Kahit na! Kung si Joey de Leon, payag pa ’kong lumigaw, pero siya (Willie), ayaw ko!”

Hirit ni Butch, totoo bang nanliligaw si Willie kay LT?

Salo ni ’Nay Lolit, ang kuwento sa kanya ni Lorna, ang bait-bait ni Willie nu’ng may sakit si Rudy. Panay daw ang pagpapadala nito ng pagkain at bulaklak sa kanilang mag-asawa.

Kaya naman ang akala ng aktres, extension lang ang pagpapadala nito ngayon ng bulaklak, pagkain at pagtawag-tawag sa telepono ng pakikipagkaibigan noon.

“Alam mo naman si Willie, ilusyonado, ’di ba?” dialogue pa ni ’Nay Lolit.

“Saka, hindi naman masamang mangarap, eh. Ang dami nga niyang pangarap, eh, ’di ba? Ang naiinis lang ako kay Willie, lagi siyang nai-involve sa patay.”

Ang tinutukoy ni ’Nay Lolit ay ang mga nagdaang problema ng TV host-comedian kaugnay ng ULTRA stampede, kung saan 71 katao ang namatay, at ang isyu sa video insertion ng paglilipat kay dating Pangulong Cory Aquino sa Manila Cathedral, na naging sanhi ng puwersahang “pagbabakasyon” nito sa ABS-CBN at sa Wowowee.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

2 Comments:

At 2:45 AM, Anonymous Anonymous said...

ai naku tandang Lolit! isa ka pa, manahimik ka nlang kaya,,tignan mo muna sarili mo kasi mukha kanang pungal na onggoy sa katandaan mo ang hilig mo paring manira ng tao..Baka inggit ka lang kasi ala na nagkaka gusto sau, sana ikaw nlang ligawan ni willie para hihinto na yang bibig mo..bwahahaha, tingin ko magpakamatay nlang din si willie kung ikaw lang din naman..Joke!

 
At 7:12 PM, Anonymous Anonymous said...

HOY LOLIT SOLIS MANAHIMIK KANA LANG UBOD KA NANG SINUNGALING

KAPAL MONG MAGSINUNGALING!

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES