Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, September 09, 2009

Willie Revillame patok pa rin sa U.S.

HINDI nakaapekto kay Willie Revillame ang mga kontrobersiyang kinasang-kutan niya bago pa siya magtungo sa Amerika para mag-show doon.

Before he left, naging tsika na baka hindi na maging gaya ng dati ang pagtanggap ng fans sa kanya.

Iba’t ibang opinyon at espekulasyon din ang naglabasan mula sa detractors ng TV host.

Well, napatunayan namin na hindi kinaya ng anumang paninira at intriga ang pagmamahal ng fans sa Amerika at iba’t ibang panig ng mundo kay Willie.

Kami mismo ang nakasaksi sa muling pagsabak ni Wil-lie sa stage para mag-perform, makaraan ang mahigit isang buwan na pamama-hinga.

Ganado si Willie sa bawat pagkanta at pag-indak, kasabay ang ASF Dancers at co-hosts na sina Pokwang at Mariel Rodriguez.

Sangkatutak na banners, karatula at streamers na nagsasabing mahal nila ang TV host ang hawak at winawagayway ng mga manonood at maging foreigners ay join din sa pag-cheer kay Willie.

Ganoon din ang nangyari sa katatapos na Kadayawan Festival sa Davao kung saan grabe ang naging pagtanggap kay Willie kahit pa mabasa sila ng ulan.

Sa show niya sa Lake Tahoe, Las Vegas Nevada, sa gitna ng init at matinding sikat ng araw, puno ng siglang kinanta ni Willie ang ilan sa kanyang hit songs na Sayaw Darling at Giling-Giling na nagbigay ng sobrang saya sa audience.

Tutuloy ang grupo ng Wowowee sa Takoma Dome, Washington, D.C matapos ang successful show nila sa Nevada.

Isa pang mainit na isyung ikinakabit kay Willie ay ang balak daw niyang pagsabak sa pulitika.

Sa panayam kay Willie, iginiit ng TV host na walang sinuman na puwedeng mag-dikta sa kanyang magiging desisyon.

Aware din si Willie sa mga isyung lumalabas na tatakbo siya sa ganito at ganyang posisyon, pero inulit niyang siya lang ang makakapagsasabi kung ano ang desisyon niya tungkol sa bagay na ito.

Mas pinagkakaabalahan ngayon si Willie sa pagbabalik sa telebisyon sa Setyembre 21.

Ito rin ang araw na pinakahihintay ng kanyang fans na sobrang na-miss siya.

Iba talaga ang Wowowee ‘pag wala si Willie.

Gaano man kasaya ay parang may kulang pa rin, kaya tiyak inaabangan na ng sambayanan ang pagbabalik nito sa Wowowee!

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES