Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, September 24, 2009

Willie Revillame returns to Wowowee

TALAGANG parang piyesta ang kapaligiran sa pagbabalik-Wowowee ni Willie Revillame nu’ng Lunes.

Hindi matigil-tigil ang hiyawan sa loob at labas ng studio, maging ang mga tao sa lahat ng sulok ng Dos ay nag-aabang sa mga kaganapan sa pagbabalik ni Willie.

After ng bonggang opening number kung saan kinanta ni Willie ang kanyang hit songs at ilang Christmas songs, sa kalagitnaan ng Wil-lie of Fortune ay nagpasalamat si Willie sa mga tumulong sa kanya sa halos da-lawang buwan niyang absence sa show.

Pinasalamatan ni Willie ang naging special co-hosts niyang sina Gabby Concepcion, Kim Atienza, John Lloyd Cruz at Piolo Pascual. Willie also gave credit sa co-hosts na sina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion, RR Enriquez at Pokwang na talaga na-mang nag-effort, napaka-efficient at malaki ang nai-tulong sa Wowowee habang wala siya.

Dagdag pa ng TV host, na-realize daw niya kung gaano katibay ang samahan ng buong staff ng show nu’ng wala siya at sama-sama nilang naitaguyod ang Wowowee.

Ikinuwento ni Willie ang kanyang mga ginawa nu’ng hindi siya visible sa telebis-yon at masayang ibinahagi ang naging shows nila sa Davao at Cagayan de Oro na dinagsa ng libu-libong tao para panoorin siya sa kabila ng mga kontrobersiyang kinakaharap niya.

Kaya raw lalong hindi bumitaw si Willie at nagkaroon ng determinasyon at dahilan na bumalik sa TV nang makitang marami ang nagmamahal sa kanya.

Excited ding ikinuwento ni Willie ang naging experiences niya habang nasa Amerika, kung saan nabigyan siya ng chance to interview one of the world’s best composers and album-producer na si David Foster.

Si David ang composer sa naging hit songs nina Celine Dion, Peter Cetera, Kenny G, Brian McKnight, and our very own Charice.

Sobrang happy si Willie for the opportunity na maka-one-on-one ang isang international celebrity. At take note, magkasama pa sila ni David sa iisang hotel sa Beverly Hills. Mapapanood ang rare interview ni Willie with David sa Wowowee.

Nagbigay din ng komento si Willie na mula ngayon, bawal na raw uminit ang ulo at dapat ay laging masaya.

Ayon naman sa isang manonood, si Willie ang taong habang inuulan ng kontrobersiya, lalong sumi-sikat. Kaya siguro iritable ang mga detractor niya.

‘Yun na!

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES