Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, October 30, 2009

Angel Locsin hindi na masagot kung mahal pa si Luis

Para kay Angel Locsin, welcome ang anumang tulong na ibibigay ni Luis Manzano sa kanyang proyekto para sa mga biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Ayon kay Angel, walang problema sa kanya kung nais tumulong o mag-donate ni Luis sa Shop and Share project nila ni Anne Curtis.

Aniya, kung sino raw ang gustong mag-donate at magbigay ng kanilang pledges, bukal sa loob nilang ta-tanggapin para sa ikauunlad ng kanilang adhikain.

Kinumusta si Angel ang SNN (Showbiz News Nga-yon) tungkol sa kanilang da-lawa ni Luis pero paiwas pa rin ang sagot ng dalaga.

May mga tsika kasing four months na palang hiwalay sina Angel at Luis pero hindi lang daw mas-yadong napag-usapan until finally ay lumabas ang isyung nagkakalabuan na sila.

Nang tanungin si Angel kung mahal pa rin niya si Luis, sinabi nitong, “Naku, mukhang mahirap yatang sagutin ‘yan.”

Alam kasi ni Angel, na halatang umiiwas, na baka ma-misinterpret na naman ng marami ang kanyang isasagot.

Aminado naman si Angel na hindi mawawala ang concern niya para kay Luis lalo pa’t may pinagsamahan sila ng TV host.

Mukhang okay sina Angel and Luis living their separate lives.

Dahil kahit naghiwalay sila ng landas ay sinikap nilang manahimik at hindi ‘yung tipong nagtalakan pa sa media.

Ipinagmalaki rin ni Angel ang pag-donate ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ng kanyang kauna-unahang boxing shoes at jersey na nasuot na niya sa isang laban niya sa abroad.

Ayon pa kay Angel, maging siya ay balak mag-bid sa idinonate ni Pacman dahil mahalagang remembrance daw iyon galing sa isang Manny Pacquiao.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES