Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, October 01, 2009

Angel Locsin tumulong na, inintriga pa

Hindi namin masakyan ang gustong palabasin ng ilang tao na hindi raw taos sa puso ang ginawang pagtulong ni Angel Loscin sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Ondoy nang mag-isa itong mamahagi ng relief goods.

Kesyo gusto lang daw solohin ng actress ang credit ng pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo samantalang puwede naman daw itong sumama sa kapwa Kapamilya stars na nagsama-sama para damayan ang ating mga kababayan.

Dahil daw ba may mil-yonaryong manliligaw ngayon si Angel kaya malakas ang loob nitong magsolong mamigay ng relief goods?

In fairness kay Angel, galing sa hirap ang pamilya ng aktres at alam niya ang feeling ng taong walang matatakbuhan sa oras ng pangangailangan.

Likas nang hindi mahilig sa publicity si Angel lalo kapag tutulong sa kapwa at ayaw ipaalam kahit kanino ang ginagawang pagtulong.

Pero dahil sikat ay hindi maiiwasang mapag-usapan ang ginawa niyang pamimigay ng relief nang nag-iisa sa mga taga-Payatas.

Hindi nga naman tulad ng ibang artista diyan na bago pa tumulong ay ipamamalita pa para magkaroon ng publisidad. Mabuti pa nga si Angel na kahit mag-isa lang ay nagagawang tumulong sa mga kababayan natin.

Kaya sa halip na punahin at intrigahin, dapat ay pasalamatan si Angel na laging bukas ang palad sa pag-abot ng tulong.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

4 Comments:

At 1:20 AM, Anonymous Anonymous said...

I cannot help but comment on this issue. Earlier, I searched the source na sinasabi ng writer and found out that the culprit is no other than cristy fermin. Grabe ka cristy fermin nalubog na sa baha ang mga kababayan natin yet ikaw wala paring pagbabago sa ugali mo. palagi ka nalang naninira ng kapwa sana you find peace in your heart and be thankful na may Angel Locsin na tumutulong. I hope bago ka cristy fermin nanira at magduda.. tumulong ka muna.

To the writer of this Article.. thank you for being just at appreciative. Naniniwala kasi ako na kung ano content ng article nagrereflect sa pagkato ng writer, and I can sense na mabuting tao ang nagsulat ng article nato. sana writer turuan mo si cristy fermin kung paano maging isang mabuting tao tulad mo pra naman hindi na cya maging bitter sa buhay nya and hndi na mangdamay ng iba.

Kudos to those pipol who help and share their blessings to the needy. And thanks to the writer of this article.

Salamat sa space...peace

 
At 1:28 AM, Anonymous Anonymous said...

Just a quick addition: to Angel Locsin

YOu are an Angel talaga..marami kaming humahanga sayo hindi man kami member ng fans club mo BUT rest assured na ipagtatanggol ka namin til the end..pag may mang.aaway sau marami kaming kasang.ga mo at handang ipagtangol ka anytime kahit busy sa work, tulad ngayon kahit busy working nasingit parin and comment ko! hehehe :-)

 
At 2:19 AM, Anonymous Anonymous said...

cristy fermin is so plastic..dati dati kung mkapuri ke angel lampas langit..ngayun kung anu anung imbentong gnagawa..we all know angelis really sincere..inggit lng ang fermin na yan kasi ala syang pera..buti nga sau at pinaalis ka na sa dos!karma yan ...more power angel..we luv u!

 
At 10:05 AM, Anonymous Anonymous said...

hay naku tumulong nalang tayo sa mga kapatid natin na nasalanta ng bagyong ondoy! at pwede ba wag na kayong manira hanga din kami sayo ha cristy may oras ka pang mamansin ng ibang tao imbes tumulong nalang
dagdag kapa sa stress ng tao. in fairness kay angel talagang matulungin yan noh at kumikilos ng tahimik at nag iisa dahil may pera sya... pls. dont judge angel ok. ang dumi nyong mag isip nakakalokah.....

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES