Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, October 17, 2009

Erik Santos gagawan ng wedding song si Rufa Mae

MARAMING kinasasangkutang intriga ang komedyanang si Rufa Mae Quinto ngayon, gaya na lang ng pagkakaroon umano ng misteryosong boyfriend na nagregalo sa kanya ng P36-M na bahay sa Amerika.

Bagama’t ’di mapangalanan, dineklara na ni Rufa Mae na sure na sure na ang pagpapakasal niya sa Mayo sa susunod na taon.

Ano ang masasabi ng ex-BF niyang si Erik Santos sa usap-usapan tungkol sa “misteryosong fiance” at pagpapakasal ni Rufa Mae?

“Parang hindi po ako naniniwala, eh. Malay mo, ako pala ’yon?

“Sa akin, kung saan siya masaya, ’di ba? Ako, doon lang ako sa tama para sa kanya. Kung ano ’yung tama sa buhay na lulugaran niya after ng sinasabi niyang kasal, doon ako.

“Mas pabor ako sa ganu’n. Basta du’n lang ako sa tama. Kung sinuman ’yon,” sey nito sa mini-interview kahapon para sa isasagawang Asian launch tour para sa album niyang Erik Santos: The Jim Brickman Songbook sa ilalim ng Star Records.

Nilinaw din ni Erik na sobrang okay ang relasyon nila ng ex-GF, kaya, sakali mang imbitahan siya sa kasal, pupunta siya.

“Kakanta pa ’ko,” aniya, sabay dagdag ng, “kung gusto niya, gagawan ko pa siya ng wedding song.”

Isang senior columnist ang nagtanong: ‘Bakit nga ba kayo nag-break? Para kasing wala kayong closure, eh.’

Tugon ni Erik: “Marami pong hindi napagkasunduan before, eh. Maraming bagay na parang mas napagdesisyunan namin na baka mas maganda na maghiwalay na lang kami.

“Kasi masyado pong ano, eh, ang gulo na. Hindi naman po sa nasakal. Sobrang bait na tao po ni P-Chi (palayaw ni Rufa Mae). Meron lang talaga sigurong hindi magkasundo.

“So, kesa mag-worsen pa ang relationship namin, mas mabuti nang i-cut na lang. At least man lang ’yung friendship, ma-save.”

After Rufa Mae, inamin ni Erik na nagkaroon din naman siya ng “something” sa isang non-showbiz girl. Hindi nga lang nag-materialize sa isang seryoso at mas malalim na relasyon.

“Ngayon, single na rin ako,” aniya. “Ayoko pang pakasal, bata pa ’ko.”

Marami pa raw siyang gustong ma-achieve, lalo na sa career bilang singer.

Ngayong Nobyembre, walong bansa sa Asya, tulad ng Japan, Hong Kong, Singapore, Korea, Vietnam, Malaysia, Taiwan at Thailand, ang bibisitahin niya para i-launch ang Erik Santos: The Jim Brickman Songbook.

“It has always been a dream for me. I have never imagined that my album will reach countries outside the Philippines,” sambit ni Erik. “Of course, with the help of my Star Records family, maaabot ko na rin ang isa sa mga pinangarap ko bilang singer.”

Mauuna siyang pumunta sa Singapore sa November 14 at 22. Nasa Malaysia naman siya sa Nov. 23, sa Japan sa Nov. 24-27 at babalik ng Singapore sa Nov. 29.

Magkakaroon din sila ng concert ng Bossa Diva na si Sitti sa Aliw Theater sa Nov. 21.

Ang Erik Santos: The Jim Brickman Songbook nga pala ay puwedeng mapakinggan gamit ang makabagong SD Card format.

“With the SD Card format, mas madali n’yo na akong makakasama through my songs, kasi puwede n’yo akong ibulsa,” biro ni Erik. “Maganda ito, kasi puwede n’yong pakinggan ang songs ko through your phones na hindi n’yo na kailangang i-download.”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES