Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, October 13, 2009

Gina Alajar nananawagan para sa US promo ng Ded na si Lolo

Samantalang excited ang lahat sa ma­gi­ging kahihinatnan ng mga entries nating Magdusa Ka (GMA 7) at Kahit Isang Saglit (ABS-CBN) para sa most outstanding TV series, at si Angel Locsin (Lobo, ABS-CBN din) para sa best ac­tress sa Emmy Awards, heto si Gina Alajar at humihingi ng suporta sa mga kababayan para sa pelikulang kasama siya, ang Ded na si Lolo na isa sa mga entries sa Oscars next year para sa foreign film category.

Lahat tayong may mga kamag-anak at kaibigan sa US, kung maaari ay pakisabihan natin na tulungan para maging matunog ang nasabing pelikula at magkaroon ng malaking promosyon dun.

Matatandaan na medyo may kalakihan ang naging gastos ni Judy Ann Santos last year para lamang mai-promote sa US ang kanyang pelikulang pinrodyus at tinampukan din, ang Ploning, pero hindi pa ito sumapat para tuluyang mapansin ng mga hurado ang nasabing movie.

Hindi makakaya ng Ded na si Lolo ang karagdagang gastos para ito mai-promote sa Amerika. Kung dito nga sa Maynila ay baka hindi pa ito nai-showing kundi sa tulong ni Tony Tuviera, prod­­yuser ng Eat Bulaga, na siyang nag-prodyus ng lima pang indie films, bukod sa Ded na si Lolo, para maipalabas sa Sine Direk Series.

Ang Ded na si Lolo ay isang comedy
na nagpa­pa­­malas ng kultura, kaugalian, at paniniwala ng mga Pilipino tuwing may patay, mula sa lamay hang­gang sa paglilibing sa patay. Tampok dito ang isang malaking cast na binubuo nina Gina Alajar, Elizabeth Oropesa, Roderick Paulate, at marami pa at nasa direksyon ni Soxy Topacio.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES