Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, October 23, 2009

Kim at Gerald walang karapatang umayaw sa ibang ka-partner

Hindi apektado sinuman kina Gerald Anderson at Kim Chiu kung paghiwalayin man sila ng kanilang network. Mga propesyonal sila na sumusunod lamang sa mga ipagagawa nito sa kanila. Kung inaakala ng ABS-CBN na kailangan nilang makipag-trabaho sa iba, susunod sila. Kung baga sa isang opisina, trabahador lamang sila, may boss silang dapat na sundin.

Sa kasalukuyan ay may ginagawa silang pelikula na magkasama. Pero sa susunod baka sa iba naman sila itambal. Kung sila walang magagawa kaya dapat din itong tanggapin ng kanilang mga tagahanga. Huwag na silang magbanta pa ng boycott dahil wala silang kapangyarihang tumutol. Dapat lamang na suportahan nila ang kanilang mga idolo, kahit magkahiwalay pa ang proyekto ng mga ito.

Isang love triangle ang pelikula nila at sumailalim na sila sa isang workshop kay Ping Medina. Dahil mature na ang mga roles nila sa movie, hindi pa batid ng dalawa kung magkakaroon sila ng mga kissing at love scenes. Pero kung sakali mang meron, nakahanda sila.

“Hindi naman ito first time na magkakaroon kami ng kissing at lovescenes. Ginawa na namin ito before, maski na sa Tayong Dalawa, meron nito. It’s work and it’s part of our profession,” ani Gerald na nang tanungin kung hindi ba siya natatakot na maagaw sa kanya si Kim ay nagsabing : “Ngayon pa ba ako matatakot eh, magkasama kami araw-araw?”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES