Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, October 22, 2009

Kris Aquino binusalan na sa lovelife ni Noynoy

Kabilang sa mga big names na guests sa 14th anniversary ng Startalk sa Sa­bado na tinawag na XCLUSIVE XPLOSIVE at XTREME ay ang magka­patid na Sen. Noynoy Aquino at Kris Aquino-Yap.

Si Ricky Lo ang nag-interview sa magkapatid para mas makilala ang senador at malaman ang future plans niya at ng kanyang pamilya.

Ang request lang nito’y no question on his lovelife, kaya kahit gustong mag-comment ni Kris, tumahimik na lang.

Tsika ni Kris, simula nang mag-ikot sa pro­binsiya si Sen. Noynoy, 16 black polo shirts na ang napunit dahil hinihila ng mga tao, kaya magpapagawa na naman siya. Bukod sa donation ng mga kaibigan at pamilya, sa talent fee niya sa mga endorsement kinukuha ang budget sa pag-iikot ni Sen. Noynoy at kumukuha lang siya ng pambayad sa tax. “Suweldo ko sa ABS-CBN ang panggastos namin,” sabi nito.

Nilinaw ni Kris na hindi talaga siya ang host ng Pilipinas Got Talent dahil it was never offered to her at ang maging resident judge lang ang ini-offer sa kanya. Makakasama niyang judge si Mr. Freddie Garcia at isa pang hindi napi­pili. Sina Billy Crawford at Luis Manzano ang mga hosts ng talent show.

Sa Nov. 16, magsisimulang mag-taping si Kris ng bago niyang soap sa ABS-CBN entitled Kung Tayo’y Magkakalayo, to be directed by Erick Salud and Trina Dayrit, the same team behind Tayong Dalawa. Gaganap siyang ina ni Kim Chiu at sa tanong kung bakit siya pumayag maging ina ni Kim, ang sagot ni Kris ay “because Kim and Gerald (Anderson) are the number one young stars of their age bracket.”

Kundi Jan. 25, 2010 ay sa February ang airing ng soap, kung saan big male star ang makakapareha ni Kris.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES