Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, October 28, 2009

Kris Aquino feel na feel kasama si Sharon Cuneta

Bongga talaga ang paghahanda ng Regal Films para sa kanilang unang proyekto kasama ang megastar Sharon Cuneta – ang Mano Po 6: My Mother, na entry sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF).

Pagkatapos ipakilala ang mga naglalakihang artista na makakasama ni Mega sa pelikula tulad nina Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Dennis Trillo at Heart Evangelista, heto at inihayag na ng produksyon ang paglabas ng Queen of Talk Kris Aquino sa nasabing pelikula.

Maraming hindi naniwala nung lumabas ang balita na magsasama sa isang pelikula sina Mega at Kris, pero dito nga sa Mano Po 6, magaganap na ang pinakahihintay nilang pagsasanib puwersa.

Talagang kaabang-abang daw ang mga eksena na gagawin ni Mega sa pelikula, kasama na rito ang mga kasama si Kris, na gaganap bilang bestfriend ni Shawie.

“Masayang-masaya ako na nabigyan ako ng chance na makatrabaho si Sharon,” sabi ni Kris, na self-confessed Sharonian. “I’m also very thankful to Sharon and her hubby, Kiko Pangilinan, for the support they gave to my brother Noynoy.”

Para kay Kris, ito rin ang katuparan ng isang pangako na binitawan niya kina Mother Lily Monterverde at anak nitong si Roselle Monteverde-Teo.

“Napakabait ni Mother Lily sa aming pamilya,” dagdag ni Kris. “Doing this movie is only a little favor compared to what she has done for me and my family. It’s the only way I can give a meaningful gift to Mother Lily, a gift of my time and presence.”

Para sa pelikula, hindi magpapabayad si Kris, maski apat na araw siyang magre-report sa set para lang makiisa kina Mother Lily, Roselle at Mega.

Maituturing din na pagbabalik ito ni Kris sa matagumpay na Mano Po franchise. Matatandaan na sa unang Mano Po movie, na kung saan na­kasama ni Kris sina Maricel Soriano at Ara Mina, ay humakot si Tetay ng ilang parangal mula sa iba’t ibang award-giving bodies bilang best supporting actress.

Si Direk Joel Lamangan ang namamahala sa direksiyon ng Mano Po 6: My Mother, sa panulat ni Roy Iglesias.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES