Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, October 14, 2009

Maja Salvador in Nagsimula Sa Puso

Isang malaking pagbabago ang mangyayari sa career ng anak-anakan naming si Maja Salvador.

Ini-launch ang young actress ng ABS-CBN via Nagsimula Sa Puso na mapapanood Lunes hanggang Biyernes ng hapon sa Kapamilya Network.

Kasam niya sa teleseryeng ito ang ilang magagaling na aktor sa industriya tulad nina Jayson Abalos, Coco Martin, Nikki Gil, Joseph Bitangol, Ronnie Lazaro, Gloria Diaz, Jacklyn Jose at Laurice Guillen. Paliwanag nga ni Maja, isang napakalaking break daw ito para sa kanya. Mala-king karangalan din na suportado siya ng naglalakihang artista sa local showbiz industry kaya pinaghandaan niya nang husto ang naturang na nag-pilot episode na last Monday.

Nang makausap namin si Joseph Bitangol sa promo ng Nagsimula Sa Puso at hindi naiwasang tanungin namin kung ano ang napag-usapan nila ni Sandara Park nu’ng nagbakasyon dito ang sikat na miyembro ng Korean all-girl band na 2NE1.

Ayon kay Joseph, hindi nagbago ang kakulitan ni Sandara at gumimik daw sila kasama ang ilang Koreanang kaibigan ni Sandara. May iniwan din si Sandara kay Joseph ng autograph CD.

Samantala, si dating Miss Universe Gloria Diaz naman ay bilib na bilib sa ipi-nakitang galing sa acting ni Maja sa Nagsimula Sa Puso. Ayon sa veteran actress malayo ang marara-ting ni Maja kung tututukan lang at mamahalin ang kanyang showbiz career.

Among our young actors naman na kasama sa teleserye, sinabi ni Ms. Gloria na malalim din ang acting nina Jayson Abalos at Coco Martin.

Maging si Kris Martinez na kasama rin sa Nagsimula sa Puso ay happy na nangyayari sa kanyang showbiz career. Nagbabalik-Kapamilya si Kris at maraming nakalinyang pro-yekto sa kanya ang Dos.

Matatandaang Super Inggo ang huling project ni Kris sa ABS-CBN at excited sa bumobongga niyang career.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES