Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, October 12, 2009

Rosanna naglabas ng maraming rebelasyon kay Sen. Bong

Karugtong po ito ng aking kolum kahapon, and as promised, isang paanyaya ito sa kung ano ang kalalabasan ng Monday edition ng Juicy sa TV5 kung saan panauhin si Rosanna Roces. Asahang ‘‘sanitized’’ ang episode na ito ngayong umaga (with replay before midnight) unless it is the program’s subtle way of taking a bow.

Admittedly, I am not close to any member of the Revilla family maliban kay Andrea ‘‘Andeng’’ Bautista-Ynares, but I felt strongly for them. Pa­sado na marahil ang opinyon ni Osang na kaplas­tikan ang ginawang pagtulong ni Senator Bong Revilla sa mga sina­lan­ta ng bagyong On­doy, after all, kumilos at hindi ang senador ay may kiyaw-kiyaw pa rin ang ilan sa atin.

Kaplastikan din daw, ayon pa kay Osang, ang uga­ling ayaw niyang manahin ng kanyang apong si Gab a.k.a. Budoy mula sa pamilya Revilla, ka­ya hangga’t maaari ay ayaw nitong lumaki pa ang bata, now four years old, sa kanyang mga balae.

Sa loob din daw ng apat na taon, hindi naman daw nakuhang suportahan ni Sen. Bong ang kanyang apo kay Jolo, from food to medical check-up to what-have-you, bagay na imposible naman yatang hinayaan ng lolo, pag-ako man lang ng tungkulin ng kanyang anak sa anak nito.

Ginawan pa (uli) ng isyu ni Osang ang kasunduang hiramin si Budoy ng pa­milya Revilla, bagay na sinira raw ng kanyang mga balae. Teka, any person with a sane mind would not even conform to the idea that there should be a so-called ‘‘hiramin’’ agreement.

Una, tao si Budoy at hindi bagay na puwedeng hiramin. Ikalawa at more importantly, paanong puwedeng ipahiram ang isang bata na pag-aari naman ng kanyang biological father? Susme, this is an issue long before buried in the rubbles of oblivion!

Panawagan pa ni Osang, kesa raw si Budoy ang pagdiskitahang hiramin ng mga Revilla ay ano raw ang ginagawa ng kanyang anak sa isang dating beauty queen (tinukoy ni Osang ang pangalan ng girl in question)? Mag-anak na lang daw nang mag-anak ang senador, at ’yung mga paslit na ’yon ang kanyang kupkupin!

Teka, what has Bong’s private life outside politics got to do with the issue? Hindi ba’t ang dapat nagpuputok ang butse ay ang maybahay nitong si Lani Mercado?

Kinuwestiyon pa ni Osang ang ranggo ni Bong bilang ikalimang pina­ka­mayayaman sa hanay ng mga senador. Tanggap daw ni Osang kung nangu­nguna man sa listahan si Senator Manny Villar dahil sa dami ng mga ari-arian nito, pero si Bong, paano raw naging fifth richest senator?

Kasunod nito ang paninilip ni Osang sa umano’y P250 million na budget
ng DPWH na pinangasiwaan ni Bong. Teka, Osang must have friends with the Commission on Audit to be able to know the exact figures!

Ayon kay Osang, patikim pa lang daw ito ng marami pang rebelasyon na kan­yang ibubunyag. Sounds like her old, run-off-the-mill film, ang Patikim ng Pinya.

May karugtong pa po ito. Patikim din lang ito ng ‘‘P’’ ni Osang, kayo na ang bahalang magbigay ng kahulugan what the letter stands for.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES