Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, October 22, 2009

Sarah Geronimo - "Record Breaker" concert

Bongga ang line up ng guests ni Sarah Geronimo sa pinaka-exciting na concert ng Box-Office Queen sa Araneta Coliseum sa November 7, ang Record Breaker. Makakasama at makikipag-showdown ang aking favorite singer-actress kina Billy Crawford, Luis Manzano at Vhong Navarro.

Bukod sa tatlo na pare-parehong magagaling sumayaw at kumanta, join din sa concert ni Sarah si Matteo Guidicelli at ang international singing sensation na si Charlie Green.

Si Matteo ang Filipino-Italian actor, model, racer at upcoming singer pero mas kilala siya na magaling na car racer. Kasalukuyang nag-aaral si Matteo sa Columbia College Chicago at Performing Arts and Musical Theater ang kanyang course.

Nakilala si Charlie Green sa Britain’s Got Talent noong 2008 dahil sa kanyang galing sa pagkanta ng mga classical song. Bilib si Sarah kay Charlie dahil nakapag-perform na ito sa Royal Opera House.

Very open si Billy sa pagsasabi na bilib siya sa galing at charisma sa tao ni Sarah. Super friends naman sina Luis at Sarah. Kuya ang tawag niya sa anak ni Vilma Santos. Malaki ang posibilidad na magkasama ang dalawa sa isang pelikula.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES