Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, October 03, 2009

Shaina Magdayao, pilit ikinukumpara kina Maja at Erich

HUWAG nang intrigahin sina Shaina Magdayao, Erich Gonzales at Maja Salvador, huh!

Kung nabigyan ng sa-riling teleserye si Erich na Katorse at si Maja naman ay kasama sa Nagsimula sa Puso na ipalalabas pa lang, hindi ito kinaiinggitan ng youngest sister ni Vina Morales.

Hindi naman ikinaila ni Shaina na gusto rin niyang magkaroon ng sariling teleserye.

“Of course I’m hoping, but walang maliit o walang malaking role,” ayon sa young star. “As long as I believe du’n sa project at sa character na pino-portray ko, go na go talaga ako. Walang problema doon as long as mamahalin ko ‘yung character ko.”

Mayroon din namang sariling programa si Shaina, ang Kambal sa Uma, na silang dalawa ni Melissa Ricks ang bida.

Natutuwa ang young actress dahil napakataas ng kanilang rating.

“More than being choosy, siguro I should just be thankful na I’ve been in the business for a long time and hindi ako nawawalan ng project,” ayon pa sa dalaga.

Ang susunod na proyekto ni Shaina ay ang Mexicanovela na Rubi, kung saan ang bida ay si Angelica Panganiban kasama ang talk-of-the-town actor ngayon na si Jake Cuenca.

“Slowly but surely ang ginagawa ko and I compete with myself at hindi kung kanino man. ‘Yun ang la-gi kong sinasabi sa sarili ko. Kasi ‘pag inisip mo ‘yan, kakainin ka ng insecurity mo, eh. And it’s not healthy. It won’t help you at all. It will only make you focus on the negative,” pahayag pa ni Shaina.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES