Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, October 20, 2009

Sharon Cuneta updates

SA panayam namin kay Sharon Cuneta sa first shooting day ng Mano Po 6: My Mother, muli ay idineklara ng Megastar na walang dapat ipangamba ang Sharonians na nag-alala sa napabalitang may breast cancer siya.

Truth is, totoong nagpa-check-up si Mega matapos makapa ang bukol sa kanyang breast at narito ang detalyado niyang kuwento tungkol dito.

“There was one night kasi, I took a bath, it was like two in the morning after work. During ’yan ng shooting ng BFF (Best Friends Forever, movie nila ni Ai-Ai de las Alas shown last May).

“Habang nagsa-shower ako, na-feel ko rito (sabay turo sa ilalim ng left breast niya), tatlo (lumps). So, ginising ko si Kiko, sabi ko, ‘you have to feel this, do you feel this?”

“We were on the bed, nakaupo, tapos, iyak ako nang iyak na. Tapos, para lang makaiwas sa tsismis, we went to some Asian country and had all the tests done there, we went to a hospital.

“I took only Kiko, not even my mom or my brother knew. And I didn’t wanna tell KC, pag-uwi na namin when everything was okay.

“It was benign but ’yung Kiko’s and my wait for the result, that was probably the longest few hours of my life. Saka ’yung babalik ka (sa hospital), wala pa (ang resulta). Diyos ko naman, para malaman ko na kung ano ba, sabi ko, kung cancer talaga, patatanggal ko pareho ang breasts ko, wala akong paki,” say niya.

Bale ba, may history sila ng cancer dahil ang mommy niyang si Elaine Cuneta ay nagpa-mastectomy (removal of one or both breasts) dahil nagkaroon ito ng breast cancer.

“’Yun siguro, kaya napraning ako. And then, umuwi ako. Saka ko lang sinabi kay Ai-Ai at kay Direk Wenn (Deramas, direktor ng BFF). Pinakita ko ’yung plates ko and lahat ng tests.”

Sinabi na rin daw niya kay KC ang tungkol dito at siyempre, nang sinabi niyang walang dapat ipag-alala, nakampante na rin naman ang anak.

Ito rin ang gustong sabihin ni Sharon sa kanyang mga tagahanga na nag-alala nang husto nang mapabalita ang tungkol dito.

“Noting to worry, not at all. Kung alam kong may sakit ako, hindi ako mag-aaksaya ng panahong magsu-shooting,” say niya sabay halakhak.

“Diyos ko, magta-travel ako to death, mula Vatican hanggang Atlantica, lahat ng grotto, pupuntahan ko,” tumatawa pa niyang sabi.

“Nagdasal lang ako nang nagdasal kay Jesus, okay na ako,” dugtong pa ni Mega.

Pagkatapos nga raw ng SNN: Showbiz News Ngayon kung saan unang lumabas ang interview ni Mega tungkol dito, nilapitan siya ng anak na si Frankie at sinabing may nagsabi sa kanya na may cancer ang ina.

“Pero siyempre, to hear na I have lumps in my breast, ganyan, marami akong Sharonians na nag-worry talaga, saka relatives, siyempre, and friends.

“That’s why, ’wag kayong mag-aalala, I’m okay, wala akong sakit, they found lumps but they were walang saysay,” natatawa niyang sabi.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES