Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, October 21, 2009

Vina Morales, back to work

Nakakainggit si Vina Morales. Limang buwan pa lang ang anak niyang si Ceana pero ang sexy na uli niya.

Parang walang nangyari.

Parang hindi siya nagbuntis ng siyam na buwan.

As in wala nang bakat sa tiyan na lumobo ito. Balik na sa dati ang maliit niyang bewang.

Twenty pounds na ang natanggal sa singer/actress.

One hundred twenty pounds na uli ang weight niya pero gusto niya pa itong bawasan. “Gusto kong bumalik sa normal weight ko na 110 or 115,” tsika ni Vina kahapon sa launching ng Star Magic World Concert Tour, Live in Manila na gaganapin sa Friday the 13th (November) sa Araneta Coliseum.

Actually, willing nga raw siyang magpa-lipo­suc­tion kung may magi-sponsor (paging Belo Medical Group). Pero ang braso niya ang priority kung saka-sakali.

Type niyang bawasan ang braso though sinasabi naman sa kanya ng mga kaibigan ni Vina na hindi na kailangan dahil todo-work out nga siya sa bahay.

After two months na ipanganak niya ang first baby nila ng boyfriend niyang si Cedrec Lee, gusto na agad niyang mag-work out. Pero hindi siya pina­ya­gan ng OB Gyne kahit normal delivery siya.

Pero nang tatlong buwan na ang kanyang anak, hindi na siya nagpapigil. Sinimulan na niya ang work out sa bahay at super diet na pagkain.

“Lahat ng klase ng diet ginawa ko. Brown rice ang kinakain ko,” kuwento niya.

One month lang daw kasi siyang nagpa-breast feed.

Dumating pa siya sa point na for one week, soup lang ang pumapasok na pagkain sa katawan niya.

Kaya ngayon, back to work si Vina.

Na-miss daw niya ang pagsayaw at pagkanta kaya gustung-gusto na niyang magtrabaho.

Suportado naman siya ng kanyang boyfriend at ama ng anak niyang si Ceana. “Maski naman anong decision ko, suportado niya. Ayoko naman kasing umasa. Hindi ako sanay na may sumusuporta,” sabi ng singer/actress.

Eh kelan naman kaya sila pakakasal ng kanyang BF?

“Ang lovelife ko naman for four years on and off. Kung anuman ang relasyon ko ngayon, masaya na ako. Concentrated ako kay Ceana. Kay Ceana pa lang buo na ako. Actually, it was Ceana who gave birth to me, not me giving birth to Ceana. Pakiramdam ko nabago ang buhay dahil sa kanya. And I’m so blessed,” sabi ni Vina.

So ibig sabihin, wala sa plano niya ang mag-asawa at magpakasal sa lalong madaling panahon.

Samantala, kasama siya sa libu-libong sinalanta ang bahay ng bagyong si Ondoy.

Nakatira sila sa Wilson, Greenhills in San Juan pero hindi nakaligtas ang kanilang bahay.

Lampas hanggang tao ang tubig sa kanilang basement at umabot hanggang tuhod ang loob sa mismong bahay nila.

Ang pool nila, hindi na makita dahil sa laki ng tubig.

Katabi ng creek ang bahay nila na bumaha ng grabe.

Noong una ay iniisip nilang ibenta ang bahay pero naisip niyang mas grabe pa ang inabot ng maraming tao.

Pero kung mangyayari pa raw uli yun, saka na lang niya ibebenta.

Nagpa-plano ba uli siyang magkaanak?

“For now I’m enjoying Ceana. Bata pa naman ako. Puwede pa, pero hindi pa siguro ngayon,” sabi niya.

Walang katapusang pasasalamat sa Diyos ang binibigay ni Vina dahil nagkaroon siya ng opportunity na maging isang ina.

Incidentally, isa siya sa 70 performers ng Star Magic.

Sa presscon pa lang, bigay-todo sa pagkanta ang singer-actress.

Nakakataka lang kung paanong magkakasya ang dalawang oras na concert sa 70 performers ng Star Magic.

Kasama pa sa listahan si Claudine Barretto.

Nagulat pa nga ang isa sa tatlong producers ng show na Blue Dream Entertainment
na wala na sa ABS-CBN si Claudine.

Kasama ring nag-produce ng show ang Beginnings at Twenty Plus Inc.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES