Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, November 04, 2009

ABS-CBN Christmas ID 2009, mapapanood na

Bibigyang halaga ng ABS-CBN ang ilaw at kinang ng pag-asang patuloy na nagmumula at lumalabas sa puso ng mga Pinoy sa pamamagitan ng kanilang panibagong Christmas Station ID na matutunghayan ngayong Miyerkules (Nov 4).

Matapos magdaan sa napakaraming unos ang bansa, isang mensahe ng pag-asa at pagpupugay sa hindi matatawarang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga mamamayan ang nais iparating ng inaabangang SID kasabay ng mensahe ng pagpapasalamat sa patuloy na paggabay ni Bro sa bawat isa sa atin.

Pangungunahan ng mga Kapamilya stars na sina Sarah Geronimo, Piolo Pascual, KC Con­cepcion, Billy Crawford, Erik Santos, Mark Bau­tista, Rachelle Ann Go, Yeng Constantino, Jed Madela, Nina, Sitti, Aiza Seguerra, Richard Poon, Duncan Ramos at Pinoy Dream Academy kids ang pag-awit ng theme song na alinsunod sa temang Bro, Ikaw Ang Star ng Pasko.

Ito ay sinulat ni ABS-CBN Creative Com­muni­cation Management (CCM) Head Robert Labayen at sinaliwan ng musikang likha nina Marcus at Amber Davis.

Magkakaroon ito ng premiere ngayong araw pagkatapos ng Parol ni Bro global lighting event ng ABS-CBN na matutunghayan sa TV Patrol World.

Ang Parol ni Bro ay mabibili sa iba’t ibang disenyo at laki sa piling SM Kultura at SM Department store outlets. Ang perang malilikom dito ay mapupupunta sa pondo ng Bayanijuan at Sagip Kapamilya ng ABS-CBN Foundation.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES