Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, November 03, 2009

ABS-CBN Showtime, panalo

Naglabasan na ang mga gustong magpasikat noong isang Sabado (Oct. 24) sa pagbubukas ng Showtime, ang bagong kinababaliwang programa sa ABS-CBN.

Kasama ang mga hosts na sina Vhong Navarro, Anne Curtis, Teddy ng Rocksteddy, Jugs ng Itchyworms, at si Kuya Kim Atienza, nag­paki­tang-gilas na ang mga ordinaryong Pinoy na gustong makita sa telebisyon.

May sumayaw, may nag-rap, may nagpatawa, pero lahat ay nagbigay saya sa mga manonood dito at sa ibang bansa. ’Ika nga ng resident judge na si Vice Ganda, “Hindi pagalingan dito, basta nakakaaliw, panalo!”

Pero hindi lang mga contestants ang inaabangan sa Showtime dahil pati judge at audience ay may time to shine.

Walang pigil ang banat ng mga celebrity judges sa mga contestants, habang ang “madlang people” kung tawagin nila ay may oras ding humirit.

Talaga namang “your show, your time” ang programa, kaya naman sa una nitong bira ay umariba ito sa rating na 14.1% ayon sa TNS National TV Ratings.

Kaya naman huwag palampasin ang programa kung saan kahit sinong Pinoy ay puwedeng magpasikat sa TV! Samahan ang buong barkada ng Showtime mula Lunes hanggang Sabado bago mag-Wowowee.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES