Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, November 16, 2009

Angel Locsin walang panahong makipag-balikan kay Luis

Sa sobrang kaabalahan sa kanilang online auction ni Anne Curtis which is intended for the relief and rehabilitation of the victims of the many typhoons that wreaked havoc in the country, hindi magawang maisip ni Angel Locsin ang pakikipag-balikan kay Luis Manzano. Hindi rin naman siya makapagsalita para magbigay linaw tungkol dito dahil hindi rin naman daw nagsasalita si Luis.

“Hintayin na lamang natin kung ano ang itinakda ng panahon para sa aming dalawa. But I’m grateful I’ve so many projects to keep me busy, walang panahong mag-isip ng malulungkot na bagay. Salamat na lang at sa kabila ng paghihiwalay namin ni Luis we’ve remained friends,” anang magandang aktres who is scheduled to leave on the 19th of November para dumalo sa Emmy Awards International na kung saan isa siyang nominee for best actress, ganundin ang kanyang seryeng Lobo mula sa ABS-CBN.

Nakakaisang buwan pa lamang ang Shop & Share nila ni Anne pero nakapagbenta na sila ng labis sa US$ 15,000 o humigit kumulang sa Php 705,000. Target nilang makalikom ng P1M.

Target ng Shop & Share na marating ang 88 million strong international community para masustina hindi lamang ang mga biktima ng mga nakaraang bagyo kundi yung mga darating pang kalamidad sa bansa. Ilan sa mga sikat na taong nagbigay ng ilang mahahalaga nilang gamit para sa kanilang proyekto ay sina Ruffa Gutierrez, Kris Aquino, Kim Chiu, Maxene Magalona, Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Pokwang, Manny Pacquiao, Luis Manzano, Marian Rivera, at maging ang tunay na bayani ng Ondoy na si Gerald Anderson. Katuwang nina Angel at Anne sa kanilang charitable endeavor ang Philippine National Red Cross.

Tinatayang magsisilbing most significant online commerce event of the year ang proyektong ito ng dalawang aktres na nakapag-solicit na rin ng mga designer bags kay Kris Aquino, autographed shoes ni Manny Pacquiao, Gundam Robot ni Ogie Alcasid at iba pang genuine collectibles tulad ng bags, shows, mga memorabilia na ginamit sa pelikula at mga telenovela. Available din online ang Darna statuette ni Angel.

Samantala, bukod sa online auction, magiging lubhang abala si Angel sa pagbabalik niya mula US. Magsisimula na siya sa kanyang soap
with John Lloyd Cruz. Sinasabing isa ito sa pinakamalaki at bonggang fantasy telenovela na gagawin ng ABS-CBN.

Magsisimula na rin siya sa kanyang pelikula with Aga Muhlach.

Sa TV naman, nakatakda siyang mag-guest sa May Bukas Pa at Your Song Presents.

Sa rami ng kanyang trabaho, magkakaroon pa ba ng katuparan ang mga sitsit na aalis muli siya ng Dos at lilipat na naman ng ibang net­work?

“Sa ABS-CBN na talaga si Angel! Dito hindi quantity, kundi quality ang mga proyektong ginagawa niya,” anang manager niyang si Becky Aguila.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES