Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, November 21, 2009

Annulment ni Zsa Zsa, may humaharang — Dolphy

Pagkatapos mapanood sa Dobol Trobol with Vic Sotto last year, balik-pelikula ang nag-iisang comedy king na si Mang Dophy sa Nobody, Nobody but Juan, official entry sa Metro Manila Film Festival ng Kaizz Ventures at RVQ Productions sa direksyon ng anak niyang si Eric Quizon.

Ang NNBJ, dating may titulong Juan, ang pinakamalaking proyekto ni Mang Dophy matapos ang best-selling biography niya na Hindi ko ito Narating na Mag-isa at ang phenomenal worldwide concert tour in connection with the said book.

Sa mini-presscon ng pelikula last Thursday night, nakipagtsikahan sa entertainment press si Mang Dolphy at in fairness, nag-stay siya hanggang sa matapos ito kahit alam nating medyo bawal sa kanya ang mapuyat.

Isa sa mga napag-usapan ay ang pulitika since as we all know, malapit na ang eleksyon.

Isa si Mang Dophy sa talagang lapitin ng mga kandidato dahil napakalaking bagay ang endorsement niya sa sinumang gustong tumakbo.

Pero anang Comedy King, wala pa namang lumalapit sa kanya nang diretsahan.

May mga nagpapahatid daw ng feelers, pero nang tanungin kung sino ang mga ito, say niya, “secret!”

So far, hindi raw niya alam kung may tatanggapin siyang pulitiko na ie-endorse. Pakikiramdaman daw muna niya dahil minsan na siyang napahamak noong maintriga sa pag-e-endorse sa yumaong si Fernando Poe Jr.

“’Di ba, napag-initan ako no’n? Ang laki-laki ng kuwan ko noon sa Inquirer, o! Akala mo, ako ang tatakbo. ’Yung sa Cebu? Kaya si FPJ, hindi na rin ako isinama noon, nahiya na,” say pa ni Mang Dolphy.

Pero ang ipinagtataka raw niya ay kung bakit napasama si Sen. Jinggoy Estrada sa line-up ni senator and presidentiable Manny Villar.

“Nagulat ako, nasa news, sabi ko, ano? Si Jinggoy? Ano ’to, tinakwil niya ang tatay niya? Ano kaya ito, ’kako,” pahayag ni Mang Dophy.

Isa rin sa napag-usapan ay ang hanggang ngayong hindi matuluy-tuloy na kasal nila ni Zsa Zsa Padilla dahil hindi pa annulled ang civil wedding nito sa unang asawang si Dr. Modesto Tatlonghari.

“Wala na, kinalimutan na namin ’yon. Malabo, eh. Malalim. Wala na tayong magagawa ru’n. Tanggap ko na. “Kung tutuusin, mas madali sanang i-annul ang civil wedding niya kasi 16 years old lang siya nu’n. Basta, mayroong humaharang. Well, coud be the husband, kasi ang annulment, kailangan, agreement of both parties,” aniya.

Inamin din ni Mang Dolphy na ready na talaga silang magpakasal noong unang mapabaitang aprubado na ang annulment.

“Nagkagasta na kami. Nag-downpayment na kami sa venue ng $25,000, kasi $50,000 ’yon, eh.”

Nabanggit nga noon ni Zsa Zsa na sumasama lang ang loob niya ’pag iniisip niya.

“Ah, oo, ako rin, hindi ko na rin iniisip.”

Agree naman daw siya sa sinabi ni Zsa Zsa na kung tutuusin, hindi na kailangan pang pakasal sila.

“Kasi ako rin, simula nang naging kami, ayan ang Diyos, hindi na ako nang-chicks talaga. Eh, noong araw, malandi talaga ako. Pero nu’ng kami na, talagang last na siya.”

Asked why, aniya, “Eh, nagkakaintindihan kami, eh, basta ’pag mainit ang ulo niya, relax ka lang.”

Sa ngayon, 20 years na nga raw sila at si Zsa Zsa ang longest relationship niya.

Anyway, kasalukuyang nasa Beijing, China, si Zsa Zsa para sa shooting ng Mano Po 6.

“Tumawag nga siya sa akin kanina, naku, kasalukuyang nangangatog daw siya sa ginaw,” kuwento ni Mang Dolphy.

Nagkakatawanan nga raw sila dahil magkalaban ang pelikula nila sa filmfest. Pero ganu’n daw talaga kaya wala silang magagawa’t hindi naman daw problema sa kanila ’yon.

Anyway, tapos nang gawin ni Direk Eric ang movie at post production na lang ang aasikasuhin niya.

Kasama rin sa cast sina Gloria Romero, Giselle Tongi, Heart Evangelista, Vandolph, Epi Quizon, Eugene Domingo, Joe Aldeguer (isa sa producers) at marami pang iba.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES