Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, November 19, 2009

Pagtatagpo nina KC, Drew at Angelina, ikinakasa

As everybody knows, magkakasama sa United Nations sina Kc Concepcion, Angelina Jolie at Drew Barrymore, pero ayon sa anak ni Megastar Sharon Cuneta, hindi pa niya nami-meet in person ang dalawang Hollywood stars.

Si KC ang local counterpart ni Drew bilang ambassador ng United Nations World Food Programme at si Angelina naman ay naka-assign sa world refugees.

Kung si KC ang tatanungin, kung mabibigyan siya ng chance na ma-meet sina Drew at Angelina, siyempre ay gusto niya.

“I really hope so na ma-meet ko sila, there’s been talk, pero mahirap din po kasi ang schedule nila, but I really hope so,” sabi ni Kc nang makausap namin sa launching ng Swatch endorsement last Tuesday.

Sino ba ang mas gusto niyang unang ma-meet, si Angelina o si Drew?

“Well, pareho po kasi ang trabaho namin ni Drew, mas marami siguro kaming mapag-uusapan pagdating do’n. But I’d love to meet both of them of course, they’re such an inspiration to me, matagal na nilang ginagawa itong work na ito, so, marami akong matututunan sa kanila,” pahayag pa ni KC.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES