Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, November 12, 2009

Awayang LT-Chin Chin lumalala

LUMALALA na ang awa-yan blues nina Chin-Chin Gutierrez at Lorna Tolentino sa teleseryeng Dahil May Isang Ikaw.

Ayon sa kampo ni LT, tinotoo daw ni Chin-Chin ang pananampal pero ayaw nang mag-comment ni Lorna para hindi na raw hu-maba ang istorya.

Pero may binitawan si-yang salita na never na si-yang makikipagtrabaho kay Chin Chin.

Apektado na rin daw ang direktor ng Dahil May Isang Ikaw na si Jerry Lopez-Sineneng dahil sa isyu sa dalawang mahusay na aktres.

Pakiramdam ng direktor, nagkakaroon tuloy ng gap sina Chin Chin at LT kapag nasa taping at magkakaharap sa eksena.

“We are truly sad and sorry na nagkasakitan,” bungad ng direktor sa interview sa kanya ng SNN.

Aksidente umano ang lahat at naniniwala siyang walang sinuman ang may gusto sa hindi magandang insidente.

Paliwanag pa ni Direk Jerry, maaaring nadala lang talaga ng eksena ang mga artista niya kaya nangyari ang hindi sinasadyang pagkakataon.

“Being good actresses that they actually are, maaaring masyado nilang na-internalize ang characters nila sa naturang tagpo kaya hindi na nagawang mapigilan pa ang tensyong bumalot sa kanila noon,” sambit pa nito.

“Nothing was deliberate. Ito ay bugso lamang ng husay nila bilang mga artista,” giit pa ni Direk Jerry.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES