Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, November 05, 2009

Baby James nahihirapang disiplinahin ni Kris

Grateful si Kris Aquino sa kan­yang asawang si James Yap dahil finally ay pinayagan na siya nitong gu­mawa ng isang serye sa TV kasama sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Albert Martinez, at Gabby Concepcion. Dapat ay kasama rin si Robin Padilla pero hindi natuloy.

Hindi pa masimulan ang serye ng ABS-CBN dahil sa napakahigpit na schedule
ni Kris. Kinakailangan din niyang magdyeta para sa kanyang role.

Na-shoot na rin ni Kris ang 555 Tuna TVC na may 13 variants. Mapapanood na ito sa telebisyon.

Sinabi ni Kris na natutuwa siya dahil unti-unti nang nasasanay ang kanyang mga kapatid sa pagharap sa tao at paggawa ng mga bagay na hindi nila dating ginagawa, tulad ng pagiging cover ng magazines at paglabas sa TV. Dati ay sa kanyang balikat lamang nakaatang ang mga trabahong ito pero ngayon na-realize nilang kailangan na silang tumulong, lalo’t kumakandidato na si Noynoy.

“Sanay na silang mag-pose ngayon at palagi na silang nagsusuot ng high heels na hindi nila dating ginagawa,” kuwento ni Kris tungkol sa mga kapatid niya.

When asked kung siya ba ang tatayong first lady ni Noynoy kapag nahalal itong pangulo ng bansa, sinabi ni Kris na may sariling desisyon at buhay ang kapatid niya. Tinutulungan lamang nila ito ng mga ate niya dahil kapatid nila ito at makakaligaya ito sa mga magulang nila.

“I have my family to look after. I’m grateful nga kay James because pumayag itong magdagdag ako ng workload dahil kulang kami ng pondong pantulong kay ‘Noy.”

Bukod sa mga tapes na ipinamigay niya, proud din si Kris sa TVC ni Noynoy na kasalukuyang napapanood na. Silang dalawa ni Boy Abunda ang nagsilbing talent coordinator ng video.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES