Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, November 30, 2009

Dolphy, ’di pinayagang magbiyahe

Para kay Eric Quizon, wala pa ring papalit sa kanyang amang si Dolphy bilang Comedy King dahil nag-iisa lang daw ito talaga.

“Nobody can take his place. Maybe, somebody will emerge and probably make it on mark, but nobody will replace him,” say niya.

Bukod dito, ayon kay Direk Eric, kung siya raw ang papipiliin, he prefers working with his father than any other actors we have hindi lang dahil sa ama niya ito kungdi napakadali raw nitong katrabaho.

“Yes, there are lots of good actors but my dad is one of the probably easiest actors to work with. And one of the best pati. I mean, hindi ko ito sinasabi dahil tatay ko siya, but masarap siyang katrabaho at madali.

“I’ve worked with actors na hindi mo masasabing. . I mean, not in the same stature (as his dad’s) pero mas maarte pa,” pahayag pa ng direktor.

Nang tanungin siya kung sinu-sino ito, ang say niya ay hindi na raw siya magne-names pa at nagkatawanan na lang.

Magkasama kasi ulit ngayon sina Mang Dolphy at Eric sa pelikulang Nobody, Nobody But Juan na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival this December, kung saan, ang Comedy King of course ang bida at ang huli naman ang direktor.

Part ng pelikula ay sa U.S. pa kinunan and since hindi na pwedeng bumi-yahe ang kayang ama, inamin ni Eric na hindi niya naisama ang ama although sa kuwento ay sa Amerika ito naninirahan.

“Kaya ’yung interior shots ni daddy, dinaya ko na lang. Pero ’yung exterior, talagang nag-shoot ako sa U.S., four days akong nag-shoot du’n. Pero ’yung mga eksena ni daddy, dito lang ’yun, kasi nagkasakit siya.

“Hindi siya pinayagan ng doktor niya na bu-miyahe. Talagang may sulat sa akin, ‘no, you cannot put your dad’s health at risk.’ So, ako talaga, ‘okay’,” kuwento ni Eric.

As we all know ay may napakagandang trabaho si Eric sa Hong Kong bilang direktor/producer sa isang production company doon na nagpo-produce ng mga shows at nag-leave lang siya para gawin ang Nobody, Nobody But Juan. Marami na siyang tinanggihang directorial offers ng GMA-7 since busy nga siya sa kanyang work abroad.

Pero next year daw ay baka maluwag-luwag ang schedule niya at makatanggap siya ulit ng proyekto dito sa atin dahil nami-miss na rin naman daw niya ang local showbiz.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES