Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, November 05, 2009

Erap ayaw tumuntong sa ABS-CBN

Now it can be told.

Lahat ng lumabas na malalaking artista at singers sa music video na Hindi Ka Nag-Iisa ni Noynoy Aquino ay ginawa ito “for the love of Noynoy.”

Ito mismo ang ibinulgar ni Kris Aquino na ikinuwentong silang dalawa raw ni Boy Abunda ang nag-coordinate sa lahat ng mga artists na kasama sa naturang MTV.

Hindi pa raw nagdedeklara si Noynoy sa pagkandaditatura nito bilang pre-sidente ay tinawagan na siya ni Ogie para iregalo ang composition na ito kay Noynoy.

At si Regine Velasquez mismo raw ang nag-volunteer na kumanta nito.

Nang malaman na ng mga kaibigan nila ang tungkol sa gagawing music video, lahat ay nag-volunteer na maksali dito tulad nina Sharon Cuneta, Bea Alon-zo, Anne Curtis, Dingdong Dantes, Marian Rivera at talents ni Boy Abunda tulad nina Erik Santos, Mariel Rodriguez, Bianca Gonzales at Ai Ai delas Alas.

Medyo alanganin pa raw si Kris na isama si Ai Ai sa music video dahil baka raw magselos ang leading man nito na si Joseph Estrada.

Pero ang dialogue lang daw ni Ai Ai sa kanya, bago pa man daw siya nakilala nito at si Kuya Boy ay solid “Coryista” na siya.

Nagkaroon kasi ng konting intriga regarding sa refusal daw ni dating pangulong Erap na tumuntong sa ABS-CBN compound para sa prescon ng Tanging Pa-milya ng Star Cinema at sa guesting nito sana sa The Buzz, kasi “Noynoy country” daw ang ABS-CBN.

Ayon kay Kris, as far as their family’s relationship with Erap, hindi pa rin daw nagbabago ito hanggang ngayon.

Ganoon pa rin daw sila ka-close sa dating pangulo. Kasi very close raw si Erap sa mommy nila mula pa noong senador ito under Cory’s administration hanggang sa maging Presidente na rin ito ng bansa.

Sa katunayan, isa si Erap sa laging bumibisita sa kanilang mommy nu’ng nakaratay ito sa ospital at laging may bitbit na basket of fruits.

Up to now, kahit ilang buwan nang pumanaw ang mommy nila ay panay pa rin ang padala ni Erap ng fruits sa kanila.

“In fairness, kahit mag-kalaban sila ni Noynoy sa presidential race ay never siyang nagsalita ng kahit na anong against sa ka-patid ko,” pahayag ni Kris.

Samantala, pinangata-wanan ni Kris ang pagiging “Queen of All Media” sa pinaka-latest niyang product endorsement na 555 Tuna.

Ipinatikim pa sa lahat ang 555 Tuna Seafood Pasta at 555 Tuna Afritada Empanada just to prove kung gaano kasarap ito.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES