Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, November 27, 2009

Erich Gonzales, minaliit ni Ejay?

Kalat na kalat ngayon sa ABS-CBN compound ang isyung masamang-masama ang loob ni Erich Gonzales sa leading man niya sa Katorse na si Ejay Falcon.

Isang malapit kay Erich ang nagkuwento na diumano, ipinagkakalat ni Ejay na kung hindi dahil sa kanya, hindi sisikat ang young actress.

Ipinagyayabang din daw ni Ejay na siya ang dahilan kung bakit mataas ang ratings ng Katorse.

Ayon sa source, nakarating lahat kay Erich ang mga diumano’y pinagsasabing ito ni Ejay kaya napaiyak ang actress sa sama ng loob.

Timing na nang pumutok ang nasabing tsismis, may birthday presscon ang Star Magic for November celebrators at isa rito si Ejay kaya naitanong sa kanya ang tungkol dito.

Kung pagbabasehan ang reaksyon ng young actor nang tanungin tungkol dito, parang wala siyang kaalam-alam dahil gulat na gulat na may ganu’ng issue at parang natulala pa nga.

“Ano ba ’yan?” tanong niya, “sobrang hindi po totoo ’yan, ba’t naman...ako? Sino ba naman ako, ito nga lang ’yung kauna-unahang project ko sa ABS-CBN, tapos ganu’n? Talaga? Wala po akong sinasabing ganu’n.”

Hindi rin daw totoong kaya sumikat si Erich ay dahil sa kanya.

“Grabe naman, baka baligtad po, baka kung hindi dahil kay Erich, hindi ako sisikat,” he said. “Ang Katorse po talaga, kay Erich talaga ’yon,” dagdag pa niya.

May issue rin na ipinagyayabang din daw niyang Big Winner siya kaya ganu’n.

“Eh si Erich din naman po, big winner din,” say niya.

Matatandaang nanalo si Erich sa Star Circle Quest noong 2005 at mas nauna pa siya kay Ejay, na Big Winner naman ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus last year.

Ang tsika pa ng source, hindi magkasundo sina Erich at Ejay ngayon sa set ng Katorse. Itinanggi ito ng young actor.

“Talaga? Hindi magkasundo? Magkasundo naman po kami, okay naman po kami,” say niya.

May panahon nga raw na pinapayuhan pa siya ni Erich kapag may problema siya sa bahay.

“Wala po talaga kaming away,” say niya.

Hindi raw niya alam kung bakit may mga ganitong issue at ang mensahe na lang ni Ejay sa mga tao, huwag naman daw siyang sirain.

“Nagsisimula pa lang po ako, pinababagsak n’yo na. Huwag naman pong puro nega. Hindi naman po ako ganu’n,” pagtatapos niya.

Anyway, nag-celebrate si Ejay ng 20th birthday last Nov. 21 at sinorpresa raw siya sa set ng Katorse.

Kinantahan daw siya ng cast, binigyan ng cake at nagkaroon pa ng kaunting kainan.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

2 Comments:

At 1:02 PM, Anonymous Anonymous said...

Erich and Enchong Dee and all of the stars in Katorse keep it up. Ang galing galing nyo lahat!!!Have a blessed New Year!!! God Bless you all!!!

 
At 1:09 PM, Anonymous Anonymous said...

I hope someday, both Erich and Enchong Dee will end up together. They both look good with each other. Enchong Dee is sooo handsome and acts so well...It seems like he is very responsible in his life knowing he is still young so with Erich. Just plant your feet on the ground so you can soar high like an eagle. Your parents must be very happy with your success that you are enjoying right now with your determination and by working so hard. I can not say anything more. You guys are so adorable. God Bless you always!!!take care of yourselves.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES