Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, November 02, 2009

Erik Santos and Sitti in concert

Extraordinary Songs ang titulo ng nalalapit na concert ng Philippines’ Prince of Pop na si Erik Santos at ang Queen of Bossa Nova na si Sitti. Ito ay gaganapin sa November 21, 8:00 PM sa Aliw Theater. Special guest nila ang The Company.

First time na magsasama sa isang major concert si Erik at Sitti kaya naman excited at tuwang-tuwa ang dalawa.

“We have a lot of surprises in this show,” sey ni Sitti. “Sa title pa lang may idea na kayo kung ano ang konsepto ng show,” dagdag pa ni Erik.

Sabi pa nila, marahil ay marinig n’yo na lahat ng klase ng kanta sa show na ito. Bukod sa pop at bossa, meron din dance, rock, classical pati novelty.

Magkasama sa musical variety show na ASAP ng ABS-CBN sina Erik at Sitti pero bibihira silang magkaroon ng pagkakataon na magsama sa isang production number. Kaya naman nung umupo sila para mag-usap tungkol sa kanilang show, tuluy-tuloy at naging masaya ang pagbuo ng line up of songs.

“Both of them are talented and versatile. It’s really fun to be working with artists like them who are open-minded when it comes to concept shows like this,” sambit naman ng director ng show na si Calvin Neria. Si Beth Martin ang musical director at Noel Ferrer ang scriptwriter.

Sabagay, masasabing pareho namang extra­ordinary itong si Erik at Sitti. Napatunayan na rin nila kung bakit sila tinawag na Prince of Pop at Queen of Bossa Nova ng ating bansa.

Nais iparating sa publiko nina Erik at Sitti na ang concert nila ay for the benefit of Support Our Troops Inc. at para sa mga kababayan natin na nasalanta ng bagyo.

Ang Extraordinary Songs ay hatid ng Live Artists Production at Support Our Troops Inc. For tickets, call Ticketnet at 911-5555, Ticketworld at 891-9999 or Live Artists Production at 929-4568 and 929-8206.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES