Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, November 05, 2009

'Hindi ako tanga para siraan ang show ni Lorna'

Mama Salve, nadiskubre ko na kung bakit nagmukhang gimik para sa Dahil May Isang Ikaw ang pisikal na pananakit ni Chin Chin Gutierrez kay Lorna Tolentino.

Nag-text brigade pala ang publicity department ng ABS-CBN sa mga entertainment writer tungkol sa mga magaganap na eksena sa episode ng Dahil May Isang Ikaw noong Lunes. Ito ang eksakto, walang labis, walang kulang na text message ng ABS-CBN PR sa mga reporter :

“Naku, eto po ang update sa dahil may isang ikaw. Kung mapapanood n’yo ang teaser today, mamayang gabi o Lunes ng umaga, magaganap ang bonggang-bonggang confrontation scene ni Lorna at Chin Chin. Ending in sampalan and sabunutan. Dahil nadala ang dalawa sa eksena, nagkasakitan ang dalawa. In fact nagasgasan daw slight si Lorna. Pero all in the name of paggawa ng eksena. Bukas naman isang very romantic na wedding scene ang kukunan. Ikakasal na si Echo at Tin! Parang patapos na nakakaloka talaga ang primera klaseng teleseryeng ito!”

O ayan ha, unedited version ‘yan. Sinadya ko na ilabas ang text brigade ng publicity PR ng ABS-CBN para matigil na ang mga maling bintang na pakulo namin ni Ricky Lo ang balita dahil inutusan kami ng GMA 7 para siraan ang mga show ng Channel 2.

Tanga ba ako para siraan ang sariling show ng aking alaga? Gaga ba ako na dededmahin ang mga kalmot ni Chin Chin sa mukha ni LT?

* * *

Hindi ako nainis sa mga tao na nagsabi na gumagawa ako ng ingay para pag-usapan si LT.

Mas umiral ang awa ko sa kanila dahil react sila nang react sa isyu na wala silang alam. Makikitsismis lang, mali-mali pa ang pagkakaintindi nila. Soo pathetic ‘di ba?

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES