Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, November 03, 2009

Katlin of Big Brother Finland experiences Filipino hospitality

Ipinakilala kahapon sa The Buzz ang Big Brother Finland housemate na si Katlin Laas para sa Big Swap kung saan ang Pinoy Big Brother housemate naman na si Cathy ay ipinadala sa Finland. Kahapon din lang dumating si Katlin at sinabing mainit na pagsalubong ang kanyang natanggap mula sa mga Pilipino. “I (was) surprised when I was (at the) airport this morning. There were flowers,” kwento ng Finnish housemate sa kanyang broken English.

Ikinuwento rin ng foreigner na tinakpan niya ang kanyang mukha nang ipaalam sa kanya na siya ang ipadadala sa Pilipinas para sa Big Swap dahil nagulat umano siya at wala umano siyang alam tungkol sa Pilipinas. Hindi rin umano niya alam kung gaano siya katagal mananatili sa PBB house pero excited siya umanong pumasok sa bahay at makilala ang ibang housemate.

Marami rin ang natuwa kay Katlin sa live appearance niya sa The Buzz dahil may natutunan na siyang ilang Tagalog words gaya ng aso, mahal kita at mabuhay. Ibinihagi rin niya na may kasama siya sa Big Brother house sa Finland na Aso ang pangalan. Sa ngayon, ang tanging nasa isip umano ni Katlin ay makapasok sa bahay at tingnan kung ano ang mga mangyayari. “I don’t expect anything. I just really want to go (in the) house and meet people and we will see what’s (going to) happen.”

Ikinuwento ng tinaguriang party girl sa Big Brother Finland na kasalukuyan siyang single at marunong umano maghanda ng pagkain. Bukod sa Pilipinas, ang bansa na napuntahan na niya ay ang Greece.

[via]

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES