Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, November 18, 2009

KC Concepcion, a good role model

Ipinanganak na mayaman si KC Concepcion pero grabe ang ginagawa niyang malasakit sa mga nagugutom. Kinarir niya ang pagiging Ambassador ng World Food Programme ng United Nation.

Nakakarating siya ng Mindanao para tumulong magpakain sa mga nagugutom partikular na ang mga kabataan. At wala siyang takot pumunta sa nasabing lugar kahit maraming kinikidnap. Siguro nakakatulong ang tawag ni Tita Shirley (Kuan, ang kanyang manager) kay Robin Padilla (na gusto sana niyang makasama sa pelikula pero hindi puwede dahil naging lead­ing man na ito ng kanyang Mama Sharon) para makasiguro na magiging safe ang trip nila.

Nakalimang balik na siya ng Min­danao at sa awa ng Diyos parati naman silang safe na nakakabalik.

Kaya naman extra grateful siya to her tita Virgie Ramos, the lady behind the Swatch brand in the Philippines dahil bukod sa naging endorser siya ng na­sabing relos, makakatulong pa sila sa mga batang nagu­gutom. Sa nasabing collaboration nabuo ang KC Cares. Swatch Shares.

Ito ay bilang celebration na rin ng 20 successful years ng Swatch sa bansa at ang 10 is for nutritious meal for a hungry child.

Ayon kay KC, nagkakahalaga lang P10 to feed a hungry child for a day.

Bawat bili ninyo ng Swatch watch mula sa kanilang Fall/Winter 2009 Collection will feed a child for an entire month.

“People always ask me what’s more important for me. My humanitarian work or my life in fashion, movies, music or TV, and I always say – why choose one if they can all work together, hand in hand? I am so thankful to Tita Virgie and Swatch for being real troopers in helping us fight child hunger in our country. Every 6 second a child dies of hunger, but with the help of Swatch, each second is a chance for us to feed and save a child,” sabi ni KC sa ginanap na launching kahapon ng KC Cares. Swatch Shares.

Si Angelina Jolie ang iniidolo niya pagdating sa kawanggawa.

Pero wala siyang planong gayahin ang pag-aampon nito. “Gusto ko namang tama ang gawin sa family life ko.” Meaning gusto niyang magkaasawa at magkaanak ng sarili.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES