Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, November 03, 2009

Kim Chiu hopes Gerald Anderson will remain patient with her

Ginagawa na nina Kim Chiu at Gerald Anderson ang kanilang movie under Star Cinema na siyang magiging banner movie ng nasabing film outfit sa pagbukas ng 2010. Aminado rin si Kim na nakakaramdam siya ng pressure pero confident siya sa ganda ng kuwento at naniniwala na matutulungan sila ng kanilang director na si Direk Ruel Bayani para mapaganda ang pelikula.

Sabi pa nga ni Gerald, wala pa silang ginagawang intimate scene ni Kim pero handa umano niyang gawin ito since nagkaroon na rin sila ng love scene ni Kim sa teleseryeng Tayong Dalawa.

At nang tanungin kung nag-prosper na ba ang kanilang relasyon, maiksing tugon ni Gerald, “What you see is what you get.” At sa ngayon ay wala umano siyang balak na tumingin sa ibang babae. “Basta ako, I enjoy ‘pag kasama ko si Kim,” pahayag ng Fil-American actor. “Siyempre dito muna ako kung saan ako masaya, sana masaya din si Kim.”

Nang tanungin naman si Kim kung ano pa ang dapat ibigay ni Gerald upang makamit nito ang matamis na oo ng dalawa, sagot ni Kim, “Time.” Tila matatagalan pa kung sakaling magkatuluyan ang dalawa. “Alam ko naman nandyan lang siya,” ani Kim, “Naghihintay pero sana more pa at sana lagi pa rin siyang nandyan.” At sa ngayon ay masaya naman daw silang pareho sa kung ano ang meron sila.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES