Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, November 30, 2009

Kim Chiu is overwhelmed by the support and loyalty of her fans

Lubos ang success na tinatamasa ngayon ng Pinoy Big Brother first Teen Edition Big Winner na si Kim Chiu. Sobrang busy ngayon ang schedule ni Kim dahil kaliwa’t kanan ang kanyang mga proyekto. Sa ngayon, ginagawa na ni Kim ang next teleserye niya with onscreen partner Gerald Anderson at Kris Aquino, ang Kung Tayo’y Magkakalayo. In the works na rin ang second solo movie nila ni Gerald, ang Paano na Kaya due next year. Kakaibang Kim naman ang mapapanood sa pelikulang I Love You, Goodbye na official entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival this Christmas.

Ayon nga kay Kim, isang malaking career move ang ginawa niya sa pangtanggap sa role niya sa I Love You, Goodbye. “Kahit ako nagdalawang isip ako kung tatanggapin ko ito o hindi kasi natatakot talaga ako na sobrang maldita. Galit siya sa lahat ng bagay, eh. Hindi ko naman laging ginagawa ‘yun,” ani Kim. Kasama ni Kim sa pelikula sina Angelika Panganiban, Gabby Concepcion, Derek Ramsay, Angel Aquino, Matet de Leon, Ces Quesada, Joem Bascon, Chris Villanueva, Ketchup Eusebio and Janna Domingo sa ilalim ng direksyon ni Laurice Guillen.

May nagsasabi ring malaki ang tsansa ni Kim na manalo ng best supporting actress para sa nasabing pelikula subalit tumawa lamang ang aktres at sinabing malaking milagro ito kung mangyari man. Pero isa lang ang sigurado ng aktres, at ito ay ang libu-libong nagmamahal na fans sa kanilang dalawa ni Gerald. Kim is really grateful to the fans who support her ang Gerald tirelessly. Na-overwhelm din si Kim sa turnout ng text votes nang madeklara siyang Pop Cover Girl habang si Gerald ang nahirang na Pop Pin-up Boy sa ASAP Pop Awards. Sabi ni Kim, “Sa Pop Awards ang tataas ng votes namin sobra sa text votes, alam ko dahil sa kanila ‘yon.”

Nakalaban ni Kim sa nasabing katergorya sina Angel Locsin, KC Concepcion at Cristine Reyes habang kasamang na-nominado ni Gerald sina Xian Lim, Ejay Falcon at Mark Bautista.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES