Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, November 11, 2009

Kris Aquino loves Kim Chiu

NORMAL na ang pagiging “karakter” ng personalidad ni Kris Aquino na minahal ng taumbayan, na kahit na gabi-gabing pagla-live hosting nito with Boy Abunda sa Showbiz News Ngayon ng ABS-CBN ay natural lang ito on the air.

Last Nov. 3, habang tumatakbo nang live ang show, sa harap ng camera ay sinabi ni Kris na nagte-text sa kanya personally si Kim at nagpapasalamat sa isang gesture na ginawa nito sa The Buzz two Sundays ago.

“Nagte-text kasi si Kim Chiu, hindi ko tuloy maalala,” nalilitong sabi ni Kris after ng commercial gap. “Ano ba’ng nangyari sa atin sa The Buzz?

“About Kim?” balik-tanong ni Boy kay Kris na para bang nagkukuwentuhan lang sila.

“I don’t know, eh… Basta ito (ang text message ni Kim sa kanya, habang hawak ang blackberry cell nito): ‘Hi, Ate Kris! Gusto ko pong mag-thank you nang sobra-soooobbbraa sa pagtanggol n’yo po sa akin sa The Buzz. Hindi ko po napanood ‘yung episode kasi, nasa Cebu po kasi ako. Pero sinabihan po ako ng fans, and pinanood po nila sa akin sa YouTube. Grabe. Sobrang thank you po sa lahat-lahat ng sinabi n’yo, na-touch po naman ako. Hehe. More power and ingat po kayo always!” Ano kayang na-sabi ko?” tawa niya.

“We always defend her (in the show),” hirit ni Boy.

“I love her so much, pero hindi ko na maano…” tawa ulit ni Kris na halatang very busy these days kaya hindi na maalala kung ano ang nasabi nito patungkol sa sikat na young actress.

“Sandali, sa text message bang ‘yan ay kasama ako?” tanong ni Boy.

“Wala ka na naman!” sagot ni Kris.

“Wala na naman? My God!” tawa ni Boy. “But I love you, Kim!”

“Was it about Kime-rald? Naku, i-review n’yo (staff) nga! Sorry, hindi ko na naman ano, but I love you, Kim, you know that,” hagikgik nang napakanatural na si Kris.

After some gaps, nagpatuloy si Kris, habang hawak-hawak pa rin ang so-sing cellphone.

“Nag-reply na si Kim (tungkol sa text message ni-to sa kanya). Ito pala ‘yung issue, ’Yun daw pong mga taong nanlalait sa akin sa fashion style ko… Sabi ko kasi, for me, she (Kim) is one of the best dressed. Remember? And the news said, “Well, if you have that body and you’re that skinny, you can really dress up that way.”

Ang fans kasi nina Kim at Sarah Geronimo ang “nagbabangayan” sa Internet blogs and threads, kung si-no ang mas sikat, mas talen-ted, etc. nang magpasabi raw ang Kimerald fans na ayaw nilang maging partner ni Gerald si Sarah. To the rescue naman siyempre ang fans ni Sarah. Ang idol daw nila ay nakaka-two time box- office queen awards na, si Kim ay wala pa.

“I think, kasi, sinasabi rin na sa box-office, wala pa siyang napatutunayan, but I said, uhhm, kaya nga ‘yan (Kimerald movie) ang unang ilalabas ng Star Cinema for the year. Because siyempre, they have to start off strong, kaya Kim and Gerald movie ang first offering ng Star Cinema for 2010… There you go!” sabi pa ni Kris.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES