Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, November 08, 2009

LT, ayaw nang makasama si Chin-Chin

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang executive producer ng Dahil May Isang Ikaw tungkol sa isyu na diumano’y ayaw nang makasama ni Lorna Tolentino sa teleserye si Chin-Chin Gutierrez.

Nag-ugat ang lahat sa eksena nang sampalan ng dalawang aktres kung saan hindi raw nahubad ni Chin-Chin ang kanyang singsing kaya lumatay sa mukha ni Lorna ang sampal nito.

Ayon sa aming source, napamura si LT sa sobrang lakas ng sampal ni Chin-Chin. Nakapagbitiw rin daw ito ng salita na ayaw na niyang makaeksena at makasama sa serye ang aktres.

Bago raw kunan ang eksena, pinag-usapan na nina Chin-Chin at Lorna kung paano dadayain ang eksena para hindi sila parehong masaktan. Pero naiba ang pangyayari nu’ng nag-take na sila.

“Sa sakit ng sampal ni Chin-Chin kay LT, natadyakan niya ang aktres. Hindi ko alam kung part pa rin ’yon ng eksena,” dagdag pa ng aming source.

Samantala, may nakapagsabi rin sa amin na kahit noon pa man ay hindi na nagpapansinan ang dalawa sa set ng Dahil May Isang Ikaw. May sariling mundo raw kasi si Chin-Chin at gustong laging nag-iisa.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES