Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, November 02, 2009

Matt Evans's new look

Bago na naman ang looks ni Matt Evans nang humarap sa press para sa birthday presscon ng Star Magic. Nagpatubo siya ng sideburns at bigote na bumagay naman sa kanya.

“Wala lang, para maiba naman,” sagot niya nang tanungin namin kung bakit new look siya.

Nagdaos si Matt ng kanyang ika-21 na kaarawan noong October 22 at wala naman daw malaking selebrasyon. Nagkainan lang sila sa bahay nila dahil dumating ang mga kamag-anak niya.

Wala silang date ni Melissa Ricks?

“Wala, may taping siya ng araw na ’yun, eh. Pero binati naman niya ako.”

Birthday gift niya raw sa sarili, bumili raw siya ng bisikleta at madalas siyang mag-bike ngayon sa paligid-ligid ng bahay nila.

Ang birthday wish naman niya, sana raw ay maging U.S. citizen na siya.

“Dual citizen (Filipino-American). Kasi, sayang, eh. Noong nag-aasikaso kami ng papers namin for U.S. tour noon, may isang consul doon na nagbigay sa akin ng application para maging U.S. citizen. Nagulat ako. Sabi niya, pwede raw akong kumuha ng citizenship.

“Out of nowhere, pa-rang nabuhayan ako ng loob bigla. So, sabi ko, sige, lakarin ko, baka sakali. ’Yun nga, parang... si Atty. Gurfinkel (from the U.S. immigration), tinutulu-ngan niya ako, so, siya ’yung nagpo-process ng papers, so, hopefully. Medyo matagal nga lang daw i-process ’yung papers, so, wait talaga.”

Ang unang-una raw niyang gagawin kapag naging U.S. citizen siya ay siyempre, pupunta ng Amerika.

“Tapos, siguro stay lang kahit ilang weeks. Wala naman akong gagawin doon, wala naman akong kamag-anak doon. At saka dito ang trabaho ko. Saka ko na hahapin ang tatay ko kapag may pera na ako.”

As we all know, American ang biological father ni Matt at matagal na niya itong hinahanap. Hindi na niya ito nakagisnan at ang kinikilala niyang ama ay ang stepfather niya ngayon.

Na-trace na ni Matt ang buong pangalan ng kanyang ama pero napakarami raw kapangalan nito pati na rin ang apelyidong Evans sa Amerika.

“At saka, mahirap talaga hanapin ’yung taong ayaw magpahanap,” say pa ng young actor.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES