Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, November 26, 2009

Pinoy Got Talent auditions

Hindi nauubusan ng mga Pinoy na may kakaibang galing. Naglibot ang grupo ng Pinoy Got Talent sa buong Luzon at Visayas, at infairness ang dami raw nagpakitang gilas.

Dinumog daw kamakailan ang isinagawang auditions sa Batangas, Baguio at Cebu ng pinaka­bagong nationwide talent and reality show ng ABS-CBN.

Nagpasiklaban din daw ng talento ang mga taga-North, Central, at South Luzon pati mga taga-Visayas regions na may kanya-kanya pang baong gimik para lang makalusot sa unang round ng kumpetisyon at mas mapalapit sa tsansang manalo ng P2 milyon jackpot.

“Kahit kami nabigla sa mga kayang gawin ng Pinoy. Yung akala mo walang ibubuga sa unang tingin, yun pa yung nagpa-wow talaga sa amin,” kuwento ni executive producer ng programa na si Rancy Recato.

“May kumanta, sumayaw, tumugtog ng instrumento, nagsagawa ng mga makapigil hiningang stunt at meron din gumawa ng nakakaaliw na acts tulad ng paglaro ng trumpo, pagturo ng dog tricks, atbp. Maging mga lolo at lola na nasa 60 anyos mahigit ay hindi rin nagpahuli kasabay ng mga chikiting na kahit apat na taon pa lang ay nagpapamalas na ng galing.

“May mga sumali rin mula sa mga katutubong grupo tulad ng mga Badjao, at kahit may mga kapansanan ay nag-audition din. Bukas talaga ang PGT sa lahat, basta may talentong maaring ibahagi sa buong mundo,” sabi naman ng production manager na si Morly Nueva.

Unang pinatunayan ng single mom na si Madonna Decena na ang mga Pinoy ay sagana sa talento nang maging semi-finalist siya sa pinaka-popular na bersyon ng Got Talent na Britain’s Got Talent noong 2008.

Namangha ang UK sa kanyang talento at maging ang kinatatakutang hurado na si Simon Cowell ay napahanga niya. “For that one act, it was worth coming up here,” sabi ni Simon.

Ngayon pa lang ay excited na excited na ang 33-year-old singer sa pagdating ng Pilipinas Got Talent para mabigyan na rin ng pagkakataong makilala at sumikat ang iba pang Pinoy.

“Alam nating napaka-talented ng mga Pinoy. Sa pagkanta pa lang hindi ka na makakapili, paano pa kaya kung pati pagsayaw at iba pang uri ng talento kasama hindi ba? Tiyak mahihirapan ang mga judges nito,” paliwanag ni Madonna.

Payo niya lang sa mga susunod sa yapak niya ay ibigay lamang ang lahat ng makakaya at ituon ang pansin sa pagpapahusay pa ng kanilang talento.

Sa mga gustong ipakita ang kanilang mga talento, huwag palalampasin ang auditions ng Pilipinas Got Talent para sa mga taga-Northern Mindanao sa Southern Mindanao sa Davao sa Dec. 1 at 2; at Manila sa Dec 5, 6, 12, and 13. Magiging host ng programa sina Luis Manzano at Billy Crawford sa ABS-CBN.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES