Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, November 20, 2009

Rhap Sala­zar gave Ellen Degeneres a jewelry box

Talaga sigurong sa larangan ng musika mas ma­daling maitataas ng Pinoy ang ating bansa. Ito naman ay matapos mamayani si Manny Pacquiao sa larong bok­sing, tinalo niya ang Puerto Rican na si Miguel Cotto at makuha dito ang kanyang ikapitong championship belt para sa weight division na pinasok niya.

Ang two time World Championship of the Per­forming Arts (WCOPA) champion na si Rhap Sala­zar ang sumunod na itinampok sa The Ellen De­ge­neres Show na kung saan ay binigyan siya ng mga manonood ng isang standing ovation matapos niyang kantahin ang All By Myself.

Sa rehearsal pa lamang ni Rhap for his guesting sa programa ni Ellen ay pinanood na siya ng personal ng sikat na host na hindi nito dating
ginagawa sa kanyang mga guest. Matatandaan na bago si Rhap ay si Charice Pempengco ang isa pang Pilipino na nakapag-guest sa show ni Ellen.

Katulad ni Rhap ay hinangaan din ito sa nasabing palabas. Pero kung si Rhap ay hinahangaan ni Ellen at baka matulungan nitong makilala sa international scene, ang popular naman na talk show host na si Oprah Winfrey ang nagsisilbing godmother ni Charice sa abroad.

Bago kumanta si Rhap ay binigyan niya ng regalong isang jewelry box si Ellen na gawa mula sa bunot. Sa card na kalakip nito ay sinabi niya ang ka­gus­tuhan niyang makakanta sa programa nito na ma­giging katuparan ng isa niyang malaon at malaking pangarap sa buhay.

Pagkatapos ng kanyang performance sa show ni Ellen, may mga alok nang tinatanggap ang unang nag-kampeon sa Little Big Star ng ABS-CBN at siyang kumakanta ng theme song ng Western Union na pinamagatang Galing ng Pinoy.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES