Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, November 22, 2009

Roxanne Guinoo excited makasama si Jake

Muli na naman magtatambal ang ex-lovers na sina Roxanne Guinoo at Jake Cuenca sa panibagong offering ng Your Song na pinamagatang Sa Kanya Pa Rin na magsisimula ngayong Linggo ng hapon after ASAP 09 sa ABS-CBN.

Matagal-tagal na rin ang huling TV reunion ng dalawa kaya excited na ang kanilang fans na muli silang makita sa TV. Ayon kay Roxanne, natutuwa siyang muling makatrabaho ang kanyang ex-boyfriend.

“Excited ako to work with Jake again,” wika pa niya. Nang tanungin ang dalaga kung may mga eksena bang nailang siyang gawin, agad na isinagot nitong, “Wala naman. Magkaibigan naman kasi kami ni Jake kaya wala namang ilangan.”

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ni Jake sa isa na namang pro-yekto na ipinagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN.

“Masaya ako at pinag-katiwalaan na naman nila ako. Na-miss kong maka-trabaho si Roxanne,” wika pa niya.

Kasama rin sa Your Song Presents Sa Kanya Pa Rin sina Ron Morales, Maxine Eigenmann at Bing Loy-zaga. Sa direksyon ito ni Dondon Cuaresma.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES