Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, November 13, 2009

Sarah Geronimo ayaw tigilan ng Kimerald fans

SUCCESSFUL ang concert ni Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum kamakailan.

Masasabing ang Pop Princess na ang may hawak ng korona bilang Concert Queen na matagal ding hawak ni Pops Fernandez.

Kumpirmado ring na-break ni Sarah ang concert record ng mga nagsipag-show sa Araneta.

Very thankful ang singer sa lahat ng mga nanood at sumuporta sa kanyang Record Breaker concert.

Kung happy si Sarah sa naging resulta ng kanyang concert, obvious namang hindi siya natutuwa sa mga intriga na ikinakabit sa kanilang dalawa ni Gerald Anderson dahil sa planong pagsamahin sila sa pelikula.

Ayon kay Sarah, nauunawaan niya ang Kim Chiu-Gerald fans at siya na mismo ang nag-step down para hindi matuloy ang movie nila ni Gerald.

“Masyado nang mara-ming nasasabing hindi maganda sa amin,” say ni Sarah sa The Buzz. “Naiintindihan ko lahat ‘yung mga fans ng Kimerald wala sa akin ‘yon. Hindi ko po kasi ipinagpipilitan ang sa-rili ko na makapareha si Gerald. Wala na, tapos na po. Ako na po ang nagsa-sabi na itigil na po natin kasi hindi maganda ang nagiging resulta, huwag i-pilit.”

Humanga naman si The Buzz host Boy Abunda sa sinabi ni Sarah.

Heto naman ang mataray na komento ng isang loyal Sarah fan na malapit din sa amin: “Bakit naging box-office queen at king na ba ang inyong idolo? May napatunayan na ba silang pareho sa kanilang career. Kung hindi pa panay ang press release ng Kapamil-ya tungkol sa loveteam nilang dalawa (Kim at Gerald), mapag-uusapan ba sila?”

Naku, mukhang hindi pa yata tapos ang isyung ito, huh!

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 11:22 AM, Anonymous Anonymous said...

HAY NAKU NAKAKASAWA N YAN KIMERALD PALITAN NA YAN HINDI NAMAN MAGALING UMAKTING YAN E, MAS MAGALING PA SINA MAJA AT ERICH DYAN E SI KIM PURO PACUTE AT PATWEETUMS LANG PAG NSA HARAP NG CAMERA. LAOS NA YAN WALA NAMANG NAPAPATUNAYAN E MAG ISA. ANG PAYAT PAYAT PA PARANG BUTIKI..

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES