Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, November 08, 2009

Shop and Share: Angel Locsin, Anne Curtis Project

Nakakabilib si Angel Locsin. For auction ang marami niyang bag na mamahalin sa sinimulan nilang project ni Anne Curtis na Shop and Share - http://www.shopandshare.ph

Nakita ko sa web nilang kasama sa for auction ang Louis Vuitton black bag na ang starting bid ay $374.99; Salvatore Ferragamo almost brand new na $349.99 ang starting bid, Prada Nappa Tote na medyo may kamahalan, $999 ang starting bid - description ng bag – standing layered ruffles detail front and back with silver hardware; Hermes Kelly bag – description : excellent condition, complete with dust bag, rain protection, key, lock, strap, and box, pero hindi pa nagi-start ang bidding; Louis Vuitton Saint Jacques handbag – description collectors item at wala na nito sa store. Hindi pa rin naka-schedule for bidding.

Meron ding Louis Vuitton Bedford – description : discreetly embossed monogram vernis leather – starting bid $449 (bidding closed); Louis Vuitton shoulder bag – description : white epi leather comes with original dust bag – ‘di pa rin nai-schedule for bid; NWT Tory Burch Audrie bag – description : almost new, never been used, without dust bag pero wala pang starting bid at kung kailan magsisimula ang bidding; brown Bebe tote bag – not available ang description at wala pang starting bid at kung kelan mag-uumpisa.

Kasama rin ang Yves Saint Laurent bag – description : excellent condition and Philippe Chariol handbag – description : beige and violet with gold hardware na pare-parehong walang schedule ng bidding.

Bukod sa mga branded bags ni Angel kasama rin sa pinapa-auction niya ang ilang sapatos including Jimmy Choo shoes and sunglasses.

Kahit ang Darna stature ng ex ni Luis Manzano for sale ng P2,499.

Bukod kay Angel, marami ring binigay si Anne Curtis na kasama niya sa project na ito.

Kasama sa pinapa-auction ni Anne ang Burberry bag, Louis Vuitton backpack, Juicy Couture bag, Couch handbag, Coach hat, Coach tote bag, Channel naked bag, Louis Vuitton wallet, Tiffany & Co. Necklace, and Gucci tote handbag.

Meron din si Kris Aquino na LV bags, at ang ini-endorso niyang Philip Stein watches.

Si Marian Rivera ay dalawang gown and Coach bag ang ibinigay, acoustic guitar ang share ni Sam Milby.

Balenciaga bag si KC Concepcion at Technomarine watches kay Luis Manzano.

Paul Smith Travel bag kay Dingdong Dantes at ang kanyang lucky charm na Charms and Crystal bracelet (Yup, for auction ang sinasabing lucky charm ng actor ayon sa description ng item).

Hindi pa rin nag-uumpisa ang bidding ng sapatos ni Manny Pacquiao na Nike na signed niya at ang signed training mitts na ginamit ni Pacman na bigay naman ni coach Freddie Roach.

Marami-rami ring binigay ang magaling na aktres na si Dimples Romana.

Ang Tiffany & Co. Sommerset ring ni Heart Evangelista at may starting bid lang na $49.

Balitang bigay ng ex boyfriend niyang si Jericho Rosales ang nasabing ring.

May binigay din sina Judy Ann Santos, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Pokwang, Maxene Magalona, Bubbles Paraiso, Isabelle Daza, Mariel Rodriguez, Boy Abunda, Andrew E., at Erik Santos.

Marami pang ibang artista ang nagbigay para sa nasabing project na ang pagbebentahan ay mapupunta sa Red Cross na ipantutulong sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Note na lahat ng item ay may schedule ng auction : “All the items have respective schedules for posting in eBay. Please be advised that we are still in the process of posting the items that we have, we appreciate your patience! We will auction items by batch (around 5-10 items per batch) and in a few days the scheduled date of auction for most items should be updated. Thank You!” ayon sa kanilang website.

Bongga si Angel dahil kahit wala siyang trabaho, nagawa pa niyang itulong ang mga mamahalin niyang bag para sa mga nasalanta ng bagyo.

Sigurado, mas marami pa siyang ipapa-auction kung may trabaho siya.

Kinarir ni Angel ang paghingi ng tulong sa mga kapwa niya artista para sa nasabing auction. Sila mismo nila Anne ang kumukuha ng mga items sa mga kaibigan nilang artista.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES