Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, November 11, 2009

Toni Gonzaga nagpalusot alang-alang kay Kris

Hindi lang pala si Ai Ai delas Alas ang naiipit kina Erap at Noynoy Aquino, kungdi maging si Toni Gonzaga rin.

Aba inoperan pala siya ni Erap na tumakbong mayor ng Taytay, Rizal sa 2010. Sa kasalukuyan ay isa siyang kagawad sa Taytay at konsehal naman ang tatay niya. Hindi niya matanggap ang offer ni Erap, gumanap bilang ama niya sa Ang Tanging Pamilya dahil matagal na si-yang nakapag-commit kay Kris Aquino para kay Noynoy bago pa raw nila sinimulan ang pelikula.

Nagpalusot na lang siya kay Erap na kesyo gusto pa raw niyang mag-aral para maging handa siyang manilbihan sa mga kababayan niya sa Taytay. Wala rin daw si-yang kabalak-balak na mag-concentrate ngayon sa politics dahil nage-enjoy pa siya nang husto sa showbiz. At ang dami pa niyang mga commitments na dapat gawin. Siguro raw ay pag-iisipan niyang tumakbo kung nakapag-asawa na siya which is five years from now pa.

Balewala sa kanya na tumatayong suporta lang silang dalawa ni Sam Milby kina Erap at Ai Ai sa Ang Tanging Pamilya. Bago ito ay nakagawa na kasi silang dalawa ni Sam ng tatlong pelikula na sila mismo ang bida at puro kumita ang mga ito.

“Isang malaking honor na sa akin ang makasama ang dating Oangulong Erap sa pelikula. First time ko ring makasama sa pelikula ang comedy queen. Kaya ‘yung pagkakataon lang at experience na makasama silang dalawa ay malaking bagay na sa akin,” say ni Toni.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES