Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, November 22, 2009

Willie Revillame tinarayan ng mga manonood sa laban ni Pacman vs. Cotto

TAGUMPAY ang show ni Willie Revillame noong November 15 sa Las Vegas. Nasorpresa pa siya dahil sa pagdating ng Superstar na si Nora Aunor.

Ayon sa Wowowee host wala siyang kaalam-alam na darating si Ate Guy.

“Tuwang-tuwa ang mga tao nang makita nila si Guy lalo pa nu’ng kumanta ito,” wika ni Willie.

Nanghihinayang lang siya dahil hindi sila gaanong nagkausap ni Ate Guy. Mapapanood ngayong tanghali sa Wowowee ang show na naganap sa Las Vegas. Samantala, wala raw katotohanan ang balitang na-boo si Willie, as in tinarayan ng mga tao, nang manood siya ng laban nina Manny Pacquiao at Miguel Cotto.

“Nasa kuwarto lang ako noon at nagpapahinga nang tawagan ako ni Lito Camo. Sabi ni Lito pinatawagan daw ako ni Manny. ‘Yon nga nakausap ko si Manny at sinabi niyang may nakareserba siyang tiket para sa akin,” kuwento nito.

“Ang mga tao lahat nakatutok at naghihiyawan dahil kay Manny,” dugtong ni Willie.

Totoong hindi raw na-boo ng mga tao si Willie nang manood ito ng laban ni Manny.

Ang mga taong nanood sa San Andres Gym sa may Malate, Manila ang siyang may kagagawan nang ma-focus ang Wo-wowee host sa screen kung saan sa ring side pa siya nakapuwesto habang nanonood ng boxing.

Nilinaw din ni Willie na hindi niya papasukin ang pulitika. Pero hindi naman daw siya nagsasalita nang patapos kaya lang sa ngayon ay na-ka-concentrate daw siya kung papaanong matutulu-ngan at mapasaya ang mga tao sa pamamaraang alam niya, ang paghu-host ng Wowowee.

Hanggang sa pagtulong lang daw sa mga kandidato ang kanyang magagawa at welcome daw ang sinumang mag-guest sa Wowowee ng kahit anong partido.

Hindi rin daw totoong nagkaroon ng gap ang pag-kakaibigan nila ni Kris Aquino dahil magkaiba ang kani-lang tinutulungang kandi-dato.

“Nagkakausap pa rin kami at nagti-text. Hindi naman nabawasan o nag-karoon ng lamat ang aming pagkakaibigan,” pagtatapos ni Willie.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 1:11 AM, Anonymous Anonymous said...

Tigilan na ni Willie ang pagpapaiyak sa mga contestants. Napapangsin namin na kahit pilit e umiiyak ang mga ito para lang bigyan ng mas malaking pera ni Willie. Hindi ito maganda para lalo na sa mga bata. Mas malungkot na buhay, mas kaaawaan sila. Mas nakaka depress ang ginagawa nyang ito

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES