Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, November 25, 2009

Zanjoe Marudo, praised in Lovers in Paris role

Sobrang flattered si Zanjoe Marudo sa mga papuring tinatanggap niya dahil sa pagganap niya bilang Martin sa Lovers in Paris. Sa nasabing serye kasi ay pinatunayan nang husto ng dating PBB housemate ang lalim at husay niya bilang isang aktor at pwede pala siyang makipagsabayan sa mga magagaling nating artista lalo na nga sa co-star niyang si Piolo Pascual.

Sa thanksgiving dinner ng LIP ay grabe ang papuri kay Zanjoe ng kasamahang si Mark Gil, gayundin ang direktor nilang si FM Reyes.

Sobrang thankful naman ni Zanjoe at say nga niya, kaya naman niya ito nagagawa ay dahil din sa mga taong ito.

“Siyempre, hindi ko naman ito magagawa kung hindi rin dahil sa kanila. Actually, sobrang na-challenge talaga ako sa role ko, sa character ko bilang si Martin na ka-love triangle nga ni KC and Piolo.

“Ang challenge sa akin doon is kung paano ko mapapa-work ang character bilang ka-triangle nga nila. Dapat ma-confuse ang tao kung sino ang gusto nila, kasi ’yun naman talaga dapat ang triangle eh, dapat ‘yung manonood, maguguluhan kung sino talaga ang gusto nila para du’n sa babae,” say ni Zanjoe.

Sa serye ay grabe ang kamartiran ng character ni Zanjoe at kung paano siya magmahal na aniya, ‘yun nga raw ang naging proble-ma niya at first dahil napakalayo ng karakter niya sa kanyang real self.

Ang ginawa raw niya ay pinag-aralan niya talagang mabuti ang karakter and good thing, magaling din daw talaga ang direktor nila at pati na mga co-stars niya.

May mga komento ngang may mga pagkaka-taong nasasapawan na niya si Piolo pero say naman ni Zanjoe ay wala namang ganu’n at sobrang hanga nga raw siya sa aktor dahil hindi ito maramot.

“Piolo Pascual is Piolo Pascual of course. And actually, natutuwa nga ako, actually, hindi lang ako, pati na rin ’yung ibang tao, sa suportang ibinibigay niya sa amin. Pinapabayan niya ako na masg-shine, pinapabayaan niya ako na gawin ang gusto ko, kung moment ko ito, moment ko ito, minsan nga, kahit moment naming dalawa, binibigay pa rin niya sa akin.”

Ano naman ang sabi sa kaya ng girlfriend niyang si Marielle Rodriguez sa kanyang acting? Nagalingan din ba ito sa kanya?

“Ah, si Marielle naman, simula pa lang, fan ko na siya, eh. Bilib na sa akin talaga ’yun. Kasi kahit pangi ang gawin ko, para sa kanya, maganda pa rin. Lagi siyang proud sa akin at laging maganda ang lahat ng ginagawa ko para sa kanya. Yun naman ang maganda sa kanya,” nakangiting sabi ni Zanjoe.

Ano naman ang masasabi niya na maging ang Megastar na si Sharon Cuneta ay pabor sa Martin-Vivian romance sa serye?

“Ah, di siyempre, masaya, na at least may sumuporta sa Martin-Vivian na kapamilya ni KC. Ibig sabihin, boto sa akin ang nanay niya. Ibig sabihin, puwede pala ako pumasa kay KC,” sambit pa ng aktor.

Naku, ayaw ni Marielle!

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES