Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, December 10, 2009

Angel Locsin ipinagpalit ni Luis sa boxing fight ni Manny

Kung pinagbigyan pala ni Luis Manzano si Angel Locsin na maging escort ng aktres sa Emmy Awards ay baka nagkabalikan ang dalawa. Una palang niyaya ni Angel si Luis na mag-escort sa kanya sa Emmy Awards pero hindi raw ito pumayag.

“Okey na sana kami at mag-uusap na pero mas pinili niyang manood sa laban ni Manny Pacquiao kaysa sumama sa akin,” say ni Angel.

Nang yayain naman daw ni Angel si Piolo Pascual ay kaagad itong pumayag pero hindi naman pinayagan dahil naghahabol ng taping ng Lovers in Paris.

Ito rin kaya ang tunay na dahilan kung bakit ang kasama ni Luis sa katatapos na 23rd PMPC Star Award for TV ay si Anne Curtis instead of Angel?

Niyaya raw kasi ni Luis si Angel na samahan siya sa Gabi ng Parangal ng PMPC Star Award pero tumanggi ang dalaga.

Katwiran ni Angel: “Di naman ganoon kadali mag-produce ng gown. At isa pa, may commitment ako kinabukasan.”

Pero nang malaman ni Angel na nanalo si Luis ay binati naman niya ang ex-boyfriend.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES