Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, December 18, 2009

Anne Curtis matagal nang tinatarget ni Sen. Bong

Tuwing may gagawing festival entry si Bong Revilla, hindi puwedeng wala siyang kasamang anak. Naging tradisyon na niyang isama sila sa kanyang mga festival movies.

Pero sa Ang Panday, wala ni isa mang anak na kasama si Bong, bakit?

“Para naman maiba ito at hindi magmukhang isang package deal,” panimula ng senador. “ At para rin mag-mukhang bata si Flavio. Kapag may anak akong makikita ang manonood, isang ama ang tatatak sa isipan nila eh, si Flavio sa istorya ay nasa kasibulan, bata pa para magmukhang isang ama,” dagdag pa niya.

Marami ang makakapuna na nasa pelikula si Anne Curtis. At magtataka sila kung bakit hindi ito ang leading lady sa pelikula kundi sina Iza Calzado at Rhian Ramos.

“Surprise guest lamang siya sa pelikula, may cameo role bilang isang engkantada. Ipinakiusap ko lamang kay Boss Vic (del Rosario) ang kanyang paglabas. Pumayag naman ito, at pumayag din si Anne.

“Gusto kong makasama si Anne sa pelikula. Matagal ko na siyang minamataan. Sa susunod kong peli­kula sana makasama ko na siya pero, hanggang hindi pa kami nagsisimulang magtrabaho na mag­kasama wala pang kasiguruhan,” anang napakatikas na Panday na itinuturing itong huling pagbibigay buhay niya sa character na isinilang ni Carlo J.Caparas at binigyang buhay ni Fernando Poe, Jr. bilang pinaka-magandang pelikula na ginawa niya sa kanyang buong career.

“Isang napaka-laking responsibilidad ang i-remake ang Panday dahil isang napaka-laking artista ni Ninong Ronnie. Kailangang hindi ako masira sa ganda ng movie at sa lakas nito sa box-office,” sabi pa ni Bong.

Hindi itinanggi ni Bong na nagkaroon ng iringan ang dalawang direktor ng pelikula, sina direktor Rico Gutierrez na siyang namahala ng mga special effects at si Direk Mac Alejandre na siyang director ng kabuuan ng pelikula.

“Nakialam na ako para matapos ang gulo, sinabi ko lamang sa kanila ang kani-kanilang mga res­ponsibilidad. Ganun lang yon kadali,” sabi ng actor-pro­ducer ng movie na patuloy pa rin ang pagsu­baybay sa kaso ni Katrina Halili laban kay Dr. Hayden Kho.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES