Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, December 30, 2009

Best actress trophy, inalay ni Sharon kay Yaya Luring

Pinaghatian ng Mano Po 6 ng Regal Films at Ang Panday ng Imus at GMA Films ang karamihan sa tropeo sa Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal sa SMX Convention Center sa Mall of Asia last Monday night.

Tig-pitong awards ang natanggap ng bawat isa at pati sa Best Supporting Actor, Best Supporting Actress, Best Actor at Best Actress ay hating-hati sila.

Si Sharon Cuneta ang tinanghal na Best Actress at Best Supporting Actress naman si Heart Evangelista ng Mano Po 6.

Ang Best Actor naman ay si Bong Revilla at Best Supporting Actor si Phillip Salvador ng Ang Panday.

Ang Ang Panday din ang Best Picture, second Best Picture ang I Love You Goodbye, Third Best Picture ang Ang Darling Kong Aswang at ang MP6 ang recipient ng Gatpuno Villegas Cultural Award.

Best Director si Joel Lamangan of MP6 at kung may nagtataka kung bakit hindi ang naturang pelikula ang Best Picture komo nanalo ngang Best Director, it’s because ang Ang Panday ang top-grosser at may ilang taon nang MMFF ruling na kung aling pelikula ang No. 1 sa takilya, ’yun ang Best Picture.

Napanalunan din ng Ang Panday ang Best Child Performer, Best Visual Effects, Best Production Design at Best Theme Song.

Ang ibang awards naman ng MP6 ay Best Screenplay, Best Musical Score at Most Gender-Sensitive Film.

* * *

First award ni Sharon sa MMFF ang nakamit na trophy kaya okay na rin sa amin kahit medyo napahaba ang kanyang speech.

Ang maganda, napasalamatan niya ang lahat ng dapat pasalamatan. Kung ang ibang nanalo ay nate-tense at maraming nakakalimutan, si Shawie, relaxed na relaxed at composed na composed.

Napakarami niyang pinaghandugan ng tropeo, kasama na ang pamilya niya, sa pangunguna ng asawang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, ang Sharonians at si Yaya Luring, na as we all know, yumao bago mag-Pasko.

Nagawa ring ihabol ni Mega ang pinasasabi ni Heart na pasasalamat sa manager niyang si Annabelle Rama dahil nakalimutan ng young actress sa sobrang kasiyahan.

Sa Gabi ng Parangal pa rin, binigyan ng pagkilala ng MMFF execom ang nag-iisang comedy king na si Mang Dolphy para sa ’di mapantayang kontribusyon sa larangan ng komedya at sa walang sawang pagsali sa film festival.

Maikli pero touching ang speech ni Mang Dolphy nang tanggapin ang Lifetime Achievement Award.

Aniya, baka ito na ang huling award na matanggap niya kaya napaka-importante ang ibinigay ng recognition ng MMFF.

After his speech, binigyan ng standing ovation si Mang Dolphy.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES