Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, December 03, 2009

Demanda sa The Buzz inaayos na ni Gina Alajar

Malaki na talaga ang posibilidad na umabot sa korte ang isyu sa pagitan nina Gina Alajar at ng The Buzz. ‘Yun ay kung paninindigan ng The Buzz ang hindi paga-apologize sa actress.

“Option yan, option lahat yan. Pinag-aaralan lahat. Hindi ako papasok sa isang bagay na hindi pinag-aaralan ang lahat. Kung ano ang makukuha ko out of it. Or nagsasayang lang ba ako ng panahon, yung ganun. Pero ang sinasabi ko lang ngayon, I’m exploring legal options, meron akong mga kinakausap na mga lawyers about it. At nakikinig ako sa mga payo.

“May posibilidad. Kung saan ako comfortable. Kung saan ako magkakaroon siguro ng hustisiya. It might be in the court, it might be on another venue, hindi ba,” sabi ng aktres sa interview nang makausap siya after the launching ng ChristmaSerye ng GMA 7, Sana Ngayong Pasko na pinagbibidahan ni Ms. Susan Roces.

Nagsimula ang lahat nang i-post niya sa kanyang Facebook account ang : “If I were Jinkee Pacquiao, I would not give up Manny. Krista Ranillo is not at all worth it!”

Inilabas sa The Buzz ang nasabing shout out without Gina’s knowledge and permission na naging malaking issue.

Naging controversial yun dahil lumabas ang iba pa niyang comment sa mainit noong issue kina Manny at Krista na by the way ay balitang nasa bansa na minsan ding nabalitang nakarelasyon ng ex-husband ng actress na si Michael de Mesa.

Sinabi na rin ni Gina na alam na niya kung sino ang nagsulat ng script at hindi raw ito tungkol kay Boy Abunda, Kris Aquino, and Ruffa Gutierrez kundi sa taong naglabas ng kanyang mga sinabi.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES