Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, December 21, 2009

Derek at Angelica maraming nalunok na buhangin

After Santa Santita, nagkaroon muli ng pag­ka­­ka­­­­taon si Angelica Panganiban na magbida sa I Love You Goodbye at makatrabaho si Lau­rice Guil­len, isang pelikula para sa MMFF ’09. Se­ven­teen lamang ang aktres nang gawin nila ni Direk Laurice ang launching movie ng aktres.

“Mas nag-grown siya ngayon. Kailangan la­mang niyang i-prioritize ang pagiging aktres niya dahil ma­raming magagaling ngayon,” ani Direk Laurice na ki­na­­bukasan makaraang mailibing ang asa­wang si Johnny Delgado ay sumabak na agad sa trabaho niya sa pelikula.

“Tapos na, wala na siya. Wala na kaming ba­ban­tayan ng mga anak ko. Mahirap if he was dying and I was not there. But now, even Johnny would feel na dapat ituloy ko na ang trabaho ko.”

It’s Laurice’s second time to direct a love drama. Dati kasi puro drama lamang ang ginagawa niya. Second love story niya ito af­ter her first directorial film, Kasal which she did in the early 80’s.

Nagpapasalamat siya dahil magagaling ang mga artista niya. Si Angelica, she actually had to force her na mag-mature agad sa film dahil siya ang carrier ng pe­likula. Si Gabby Concepcion naman four times na niyang na­kasama kaya alam na niya ang wor­king habit nito, kung paano ito umarte.

Kina Derek Ramsay at Kim Chiu siya medyo nag-alanganin.

“Si Kim Chiu who’s a big star now has got star quality. She has presence. I’m happy to find out na artista rin siya, at gusto niyang maging artista. Her role is not the usual Kim Chiu role, and I’m surprised na siya pa ang humihingi ng take two. She’s got a long way to go as an actress.

“I didn’t expect much from Derek Ramsay. Cul­turally hindi siya lumaki rito. I’ve never met or wor­ked with him. Sa mga workshops ko lang siya naki­kita. Pero mature ang mind niya at mahusay siya sa mga linya niya.

“May lovescenes si Angel with both Gabby and Derek. With Gabby, they are very sensual and ma­ture. Passionate naman yung lovescene nila ni Derek. Yung una parang may wall pa na naka­pa­gitan sa kanila. But their beach scene is really some­­thing! It is hot! Hindi sila naghubad pero marami silang nalunok na buhangin. No nudity pero kita mo ang passion sa rawness ng kanilang feelings and emotions. I shot this scene in a virgin beach in San Juan, Batangas.

“Sa shower scene naman ni Angel, she took off her clothes para daw maging comfortable siya pero wala kang makikita sa kanya. That shower scene is very important. Hindi lang yon inilagay para lang magkaroon ng sexy scene. Naligo kasi siya right after iniwan siya ng isang lover niya,” sabi ni Laurice who won’t reveal kung bakit I Love You Goodbye ang title ng kanyang pelikula. Meron daw maggu-goodbye sa movie but she won’t say who.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES