Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, December 31, 2009

Erich Gonzales nasaktan kay Ejay Falcon

Nawala ang card ng bulaklak na ipinadala kay Erich Gonzales habang nagpi-presscon siya kaha­pon para sa Tanging Yaman kung saan siya ang bida. Nang tinatanong na kung saan galing ang na­sa­bing bouquet ng flowers, nag-disappear na ang card kung saan nakasulat ang pangalan ng nagbigay.

Pero may duda na si Enchong Dee ang nag­pa­dala dahil inamin na ni Erich na ang young actor ang pinakamalapit sa kanya sa kasalukuyan.

In fact, inimbitahan pa nga siya nitong mag-Pasko sa Bangkok kasama ang buong pamilya ng aktor, pero hindi siya pumuwede dahil sa trabaho. “Trabaho muna ako,” sabi niya na bongga ang role sa Tanging Yaman, ang kanyang panibagong primetime TV series ng ABS-CBN pagkatapos ng matagumpay na Katorse kung saan tumatak sa mga manonood ang kanyang umaalog na boobs. Perfect gentleman ang description niya kay Enchong pero ayaw daw muna nitong i-entertain ang ligawan portion sa kanila ng young actor na ewan ko ba naman kung bakit may nagsasabing bakla.

Sobrang touched din siya sa ginawa ni Enchong na una niyang naka-partner sa Katorse nang alagaan siya nito nang minsang magkasakit siya sa taping. Ito raw ang super nag-asikaso sa kanya.

Kung good mood siya habang si Enchong ang topic, naiyak naman siya nang tanungin tungkol kay Ejay Falcon na nag-dialogue pala na kung hindi dahil sa kanya (AJ) ay hindi siya (Erich) sisikat. Say ni Erich : “Hurt po talaga ako hindi ko ini-expect na sasabihin niya yun kasi ok naman kami. Sinabihan ko lang naman siya na kailangan prepared siya sa trabaho para hindi siya maging burden sa amin. Hindi naman kasi lahat ng oras may aalalay sa kanya,” sabi ng young actress.

Aminado si Erich na kung hindi dahil sa Katorse hindi siya sisikat. “Siguro, ganun pa rin ako. Matagal naman akong naghintay, hindi overnight,” sabi ng young actress na mukhang mabait naman.

Sa Tanging Yaman, inaasahang magpapakitang-gilas na naman si Erich na hindi pa pala nagkaka-boyfriend.

Masasabing itinuturing na isa sa mga tanging yaman ng Kapamilya Network si Erich dahil sa sunud-sunod na proyekto na ipinagkakatiwala sa kanya. Lubos ang pasasalamat niya dahil nabiyayaan na naman muli ng panibagong proyekto, ipinahayag niya ang kanyang hindi maitagong excitement sa susunod niyang seryeng pagbibidahan.

“Excited po talaga ako. Parang first time ulit ang pakiramdam. Siyempre po ibang klaseng kuwento naman po ito at ibang karakter rin po ang gagampanan ko,” sambit ng dalaga. Dagdag pa nito, “Hindi ko po hahayaang masira ang tiwala sa akin ng ABS-CBN. Sobra po ang pasasalamat ko sa isa na namang pagkakataon na ibinigay nila sa akin.”

Nabanggit din ni Erich na sumasailalim siya ngayon sa ilang acting workshops
para sa kanyang bagong papel. “Nagwo-workshop po ako para mas maayos po ang pagganap ko sa karakter ko. Hindi na po kasi ‘katorse’ ang edad ko rito,” pabirong sabi ni Erich.

Bibigyang buhay ni Erich ang karakter ni Fina, isang labing-walong gulang na dalaga na may positibong disposisyon sa buhay kahit pa nga naghi­hika­hos sa buhay dahil sa kahirapan.

Umiikot ang kwento ng Tanging Yaman sa dala­wang magkaibang pamilya—isang sinuwerte ng lubusan at isang inilugmok sa kamalasan. Kung pa­paano makakaapekto ang isang pamilya sa isa ay siyang pagmumulan ng pagkakapilipit ng istorya.

Subaybayan kung papaano muling patutunayan ni Erich ang kanyang angking talento sa Tanging Yaman, ipapalabas na ngayong Enero sa ABS-CBN.

Magkaiba raw ang role niya sa Katorse at Tanging Yaman pero sinabi niyang pareho siyang nakaka-relate sa dalawang character.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES